^

Pang Movies

Sarah ire-remake ang Bituing Walang Ningning ni Sharon?!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Sarah ire-remake ang Bituing Walang Ningning ni Sharon?!
Sarah Geronimo

May kasunod na agad na pelikula

Nakipagsabayan si Sarah Geronimo sa seasoned actors na sina Nova Villa, Nonie Buencamino, Boboy Garovillo at Lotlot de Leon pagda­ting sa pag-arte sa pinalakpakang Miss Granny nang magkaroon ito ng premiere sa Trinoma Cinema last Monday.

Kahit late nag-start ang screening dahil galing pa sa SM Megamall ang cast na may simultaneous premiere, sulit na sulit naman ang paghihintay nila dahil sa pasiklab ni SG sa movie at napakagandang pagkagagawa ni Bb. Joyce Bernal, huh!

Ilan sa mga eksenang nagustuhan ng mga tao ay ‘yung throwback scene ni Sarah (bilang batang Nova) na nangalakal para mabuhay ang anak (si Nonie nang lumaki). Eh, sinabayan pa ito ng version ni Sarah ng kanta ni Norma Ledesma kaya tumatagos sa puso ang eksenang ‘yon.

Ang isa pa eh nu’ng kailangan niyang mag-donate ng dugo para sa nadisgrasyang apo niyang ginampaman ni James Reid. Mabubulgar kasi ang sikreto ng pagiging bata niya pero dahil sa pagmamahal sa apo eh nagpaubaya siya.

Tutulo talaga ang luha ng manonood sa pag-uusap na ‘yon nina Nonie at Sarah habang inaalala ang nakaraan nila. Walang hysterics pero damang-dama at tagos sa puso ang pag-uusap ng dalawa.

Kaya nga nu’ng magbukas ang ilaw, mugto ang mata ni Tita Nova sa kaiyak, huh!

Aba, hindi biro ‘yung gayahin ni Sarah ang nuances ni Tita Nova, huh! Bago sa manonood ang ginawa niya sa movie kaya halos maiyak ang Pop Star Princess sa papuring tinanggap niya.

Maaga pa para magsalita pero siguro naman eh, hindi iisnabin ang award-winning performance ni Sarah, huh!

Ang isa pang strength ng movie ay ang version ni Sarah ng lumang kanta gaya ng Rain na huling pinasikat ni Donna Cruz, ang ibinaon na sa limot na kantang A-Kiss, A Kiss, A-Kiss ng matinee idol na si Efren Montes at ang makabagbag-damdaming version niya ng Forbidden.

Pero wag mag-aalala ang millennial fans ni Sarah dahil maririnig ang isang bagong komposisyon sa huling bahagi ng pelikula.

Habang lumalabas ang closing credits, tumugtog ang Sharon Cuneta hit na Bituing Walang Ningning kaya ang hula ng marami ay ang remake ng kanta at movie ang next project ni Sarah, huh!

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with