Julia Barretto at Joshua Garcia
Tinuruan pang magbunot, Joshua ipinasyal si Julia sa bahay sa Batangas
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - August 22, 2018 - 12:00am

Sa wakas ay nakarating na rin si Julia Barretto sa Bauan, Batangas, ang lugar kung saan lumaki ang ka-loveteam at rumored boyfriend niyang si Joshua Garcia.

Noon pa sinasabi ni Joshua na gusto niyang madala si Julia sa probinsiyang kinalakihan and ganun’din naman ang young actress – gusto rin niyang makarating noon pa sa nasabing place.

Kasama ang Magandang Buhay team ay nagpunta sila sa Bauan na inere naman kahapon.

Tinanong ng host na si Melai Cantiveros kung si Julia ba ng unang girl na dinala niya sa bahay niya at sey ng young actor, may nakapunta na rin naman daw dati pero puppy love lang naman daw ‘yun.

“Dati may nakapunta sa bahay ko pero ‘yung time puppy, puppy love pa. Ito talaga kasi (si Julia) masasabi mong love mo talaga na naipakilala mo. Kasi siya rin naman talaga ‘yung ipinakilala ko sa mga magulang ko,” paliwanag ni Joshua.

Pinatotohanan naman ng ama ni Joshua na si Julia lang daw ang mahal ng anak na dinala sa bahay nila.

As usual, ang sweet ng JoshLia habang tinuturuan ni Joshua na magbunot ng bahay si Julia. Ang young actor daw kasi ang tagabunot ng sahig noong bata pa ito.

Ibinuking ni Kuya Kim… Billy tsugi na rin sa Showtime

Ang daming nagtatanong ngayon kung umalis na ba si Billy Crawford sa It’s Showtime dahil sa tweet ni Kim Atienza last Monday.

“iiiiiiiiiiit’s showtime! You will always be family! @BillyCrawford @coleengarcia @ERUPTION,” ang caption ni Kuya Kim sa mga larawan nila nina Billy at Coleen Garcia.

Nalungkot ang mga netizens at may nagkomento ngang akala raw niya ay naka-leave lang si Billy sa show.

Ang dami ring nag-comment na sana raw ay bumalik na si Billy sa show since tapos na naman ang Your Face Sounds Familiar Kids kung saan ay ito ang host.

Tinignan namin ang Instagram account ni Billy at wala naman siyang statement tungkol sa bagay na ito. And instead, ang mga recent posts niya ay naglalaman ng bakasyon nila ni Coleen sa Hawaii.
Sa IG niya ay napakarami ring nagtatanong kung babalik pa ba siya sa It’s Showtime at halatang nami-miss din siya ng kanyang mga tagahanga.

Star Awards For Music tuloy na

Tuloy na tuloy na ang 9th and 10th Star Awards For Music ng Philippine Movie Press Club na sabay na gaganapin sa ika-9 ng Setyembre, 2018 sa Newport Performing Arts Theatre, Resorts World Manila.

Tatawagin itong A Decade Of OPM Excellence bilang pagbibigay-pugay sa isang dekadang paghahandog ng karangalan sa mga natatanging alagad ng musika.

Ito rin ay selebrasyon ng isang dekadang pagkilala sa mga mahuhusay na musikero mula sa pamunuan at mga miyembro ng PMPC, sa produksyon ng Airtime Marketing Philippines ni Ms. Tess Celestino-Howard at direksyon ni Bert de Leon.

JOSHUA GARCIA JULIA BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with