^

Pang Movies

Anne sinuklian ng big hug ang pagka-fan girl ni Maine

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Anne sinuklian ng big hug ang pagka-fan girl ni Maine
Anne at Maine

Nakaka-good vibes ang post ni Maine Mendoza na mga papuri kay Anne Curtis matapos nitong mapanood ang concert nitong Anne Kulit: Promise Last na ‘To na ginanap last Saturday sa Araneta Coliseum.

Considering na Maine Mendoza na siya at sikat ding tulad ni Anne, hindi nahiya ang tinaguriang Dubsmash Queen at phenomenal star na magmistulang fan ni Anne.

Nag-post si Maine ng mga larawan ni Anne na kuha sa concert at sa kanyang caption, ipinahayag niyang masaya siya na nakapanood siya ng concert.

Deskripsyon pa ni Maine, sobrang cute raw ni Anne.

Inulan ng katakut-takot na “likes” and comments ang post na ito ni Maine at kabilang nga sa sumagot ay si Anne.

“Awww thank you for the kind words and for coming to my concert Maine. Big Hug!” ang sagot ni Anne.

Ang dami ring pumuri kay Maine for being sweet and humble. May mga nagre-request din na sana ay magsama ang dalawa sa isang project or concert at may nagtatanong din kung kaylan naman magko-concert si Maine.

Sharon atat na rin sa apo

Base sa latest IG post ni Sharon Cuneta, mukhang gusto niyang mauwi na sa kasalan ang relasyon ng anak na si KC Concepcion sa new boyfriend na si Pierre Emannuel Piazzart.

Ni-repost niya ang post ng PEP Alert na article about KC’s new relationship at sa caption, hindi maitatangging masaya si Megastar para sa anak at sinabihan ang dalawa na “this better be it.”

“Only too happy to welcome this boy back into our fold. Happiest for my baby girl! (You two, this better be it okay? JK!) I love you both. But Tina just much, much more. Hahaha!” ang kabuuan ng caption ni Sharon.

Well, nasa edad na nga rin naman ang kanyang panganay na anak at panahon na rin para magka-apo si Shawie, di ba naman?

vuukle comment

ANNE CURTIS

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with