^

Pang Movies

Tahimik pa matapos makabundol, Daniel humihingi ng dasal!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Tahimik pa matapos makabundol, Daniel humihingi ng dasal!
Daniel Matsunaga

Talaga raw malakas ang music sa loob ng sasakyan ni modelong si Daniel Matsunaga, kaya ni hindi niya narinig na may nabundol na pala siyang motorsiklo. Tuloy lang ang takbo niya sa may Commonwealth hanggang sa hinabol siya at inabutan ng mga enforcer ng MMDA, at sabihin sa kanya na may nadisgrasya siyang tao.

Hindi pa maliwanag sa mga usapan kung ano ang nangyari sa biktima na isinugod naman agad sa ospital. Wala ring identity ang biktima sa nakita na­ming incident report. Siguro walang nakitang mapagkakakilanlan sa kanya ang mga imbestigador, at wala pa rin siyang malay.

Siguro hindi naman masasabing hit and run ang kanyang ginawa, dahil hindi naman niya alam talaga na may nabundol siya. Pero dahil iyon sa sobrang lakas ng music sa loob ng kanyang sasakyan.

Ugaling-ugali iyan ng mga nagmamaneho, lalo na kung medyo inaantok o wala sa mood. Nilalakasan nila ang musika para hindi sila antukin. Pero iyon naman ang d­is­advantage. Dahil sa lakas ng musika, may mga bagay silang hindi namamalayan.

Palagay namin iyan ang isa pang dapat ipagbawal. Maski na sa mga pampasaherong jeep, madalas napakalakas ng musika, nabibingi rin naman ang kanilang pasahero, at sa totoo lang, iyang napakalakas na musika ay nakasisira ng pandinig ng mga tao.

Hindi lang dahil sa nangyari kay Daniel, pero dapat may batas para limitahan iyang pagpapatugtog ng malakas na musika sa mga sasakyan, dahil delikado talaga ang ganyan. Napuna nila pati na ang display sa dashboard, pati nga pagsasabit ng rosary gusto nilang ibawal noon. Pero ang pagpapatugtog ng musika, wala silang limitasyon.

Wala pa ring statement si Daniel Matnusaga, maliban doon sa kanyang post na humihiling sa kanyang mga followers na ipagdasal na lang daw siya.

FPJ tuloy ang pamimigay pag birthday

Kung nabubuhay pala, 79 na si Fernando Poe, Jr. (FPJ) kahapon. Kagaya nga nang nakaugalian na, nasa kanyang puntod ang kanyang maybahay, ang reyna ng pelikula na si Susan Roces, at ang anak na si Senadora Grace Poe.

Dinaluhan din ng marami pa niyang mga nakasamang artista noong araw ang isang misa na pinamunuan naman ni Fr. Larry Faraon.

Pagkatapos noon, kagaya rin ng nakaugalian na, namigay sila ng pagkain at laruan sa mga bata at sa mga informal settlers na naninirahan sa loob mismo ng sementeryo. Hanggang ngayon, talagang hindi maiwan si FPJ ng mga taong nakasama niya sa industriya.

Direk Chris pinanghihinayangan

Kasabay din niyan, kumalat na namatay din pala noong Sabado pa ng gabi ang director ng mga pelikulang indie na si Chris Ad. Castillo na anak naman ng yumao na ring director na si Celso Ad. Castillo. Na-confine siya sa isang ospital sa Quezon City kung saan nanatili siya sa ICU dahil sa cardiac arrest. Isa pang cardiac arrest bago mag-hatinggabi noong Sabado ang tumapos sa kanyang buhay.

Nakakalungkot na may mga balitang ganyan, na may mga tao sa industriya na namamatay nang maaga. Prog­resibo pa naman ang isipan niyang si direk Chris Castillo, at nag-aabang lang ng proyektong magagawa naman niya sa mainstream, pero hindi na nga humaba ang kanyang buhay.

Nalulungkot din ang buong industriya sa kanyang maagang pagpanaw.

vuukle comment

DANIEL MATSUNAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with