Akting ni Jo, napansin!
MANILA, Philippines — Small but terrible nang itinuturing ng mga manonood ang lead star ng Onanay na si Jo Berry dahil sa ipinakita nitong exemplary performance sa nasabing GMA Primetime series. Kinagigiliwan ngayon ang serye nila dahil panalung-panalo ang pilot week nito.
Kakaiba ang istorya pero relatable kung i-describe ang seryeng ito ng Kapuso Network. Idagdag mo pa ang nakakadalang husay sa pag-arte ni Jo Berry at ang nakaka-amaze na tarayan ni Superstar Nora Aunor at Cherie Gil na talaga namang isa sa inaabangan dito.
Samantala, nais naming ipahatid ang aming congratulatory message para kay Superstar Nora Aunor dahil isa ito sa pinarangalan ng History Maker Award kamakailan sa World Trade Center. Ang apo niya sa seryeng si Mikee Quintos ang tumanggap ng nasabing parangal.
Kasama niyang tumanggap nito ay ang kapwa aktor na sina Christopher de Leon, Albert Martinez, Sharon Cuneta at Aga Muhlach at sikat na mga personalidad na sina Jessica Soho, Lea Salonga, Vilma Santos-Recto, ang Philippine Azkals football team, at Victor Consunji.
- Latest