^

Pang Movies

Goma hinihintay ang paliwanag sa pagpapadala ng bandila kay Jordan Clarkson

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Goma hinihintay ang paliwanag sa pagpapadala ng bandila kay Jordan Clarkson
Goma

Nakaalis na nga ang Philippine Team patungo sa Asian Games na gaganapin simula nga­yon sa Jakarta, Indonesia. Nang umalis sila, buo ang paniniwala ni Mayor Richard Gomez na siya ring chief of mission ng Pilipinas na magiging maganda ang laban ng ating mga atleta dahil napaghandaan naman daw nila ang Asiad maliban nga sa ating basketball team na last minute ay nagkaproblema.

 

Iyon kasing team na dapat ipadadala natin sa Asiad, nakipag-pagbakbakan pa, kaya marami sa ka­nila ang pinatawan ng suspension ng FIBA, kabilang na ang coaching staff. Noong una, ang desisyon ng basketball ay huwag nang magpadala ng team sa Asiad, pero inis din si Goma sa desisyong iyon dahil kung nangyari ang ganun ngayon lang tayo walang team simula pa noong panahon ng Far Eastern Games noong 1913, at natama pang siya ang chief of mission.

Mabilis na nagbuo sila ng isang team, kaso isinama naman nila ang NBA player na si Jordan Clarkson ng Cleveland Cavaliers. Noong una ay hindi siya pinayagan ng NBA. Nagprotesta naman ang Pilipinas dahil dalawang manlalaro ng China na naglalaro rin sa NBA ang pinayagan nila. Eventually, sabi nga ni Goma, napayagan din naman si Clarkson ng NBA, Asian Olympic Committee, iyong mga organizer ng Asiad sa Jakarta, at iba pa. Si Clarkson ang sinasabing magdadala ng bandera ng Pilipinas sa opening ceremonies ng Asiad bukas.

At ‘yan naman ang binabanatan ng ibang nationalists. Kung sino pa iyong mga kababayan natin dito, siya pang mga killjoy at nagsasabing maling desisyon iyon dahil ang pagdadalhin nila ng bandera ng Pilipinas ay hindi naman tunay na Pilipino. Pero sigurado kami na sa pagbabalik nila sa Pilipinas, may magi­ging paliwanag si Goma sa desis­yong iyan. Siya lamang naman, bilang chief of mission, ang ka­ilangang magpaliwanag niyan.

JC-Bela movie inaasahang kikita pa

Naghihimutok ang mga supporter ng mga pelikulang indie dahil sa naging resulta ng Pista ng Pelikulang Pilipino. Ang top grosser, kagaya sa inaasahan ay ang pelikula nina Bela Padilla at JC Santos na The Day After Valentine’s ay kumita lamang daw ng 6.6 million sa unang araw. Kung ang kitang iyan ay ikukumpara mo sa gross ng Metro Manila Film Festival, aba eh bottom holder iyan. Palagay nga namin, mas kumita pa dapat ang pelikulang iyan kung hindi isinali sa festival.

Kung ang pelikulang iyan ay nai-promote on it’s own at hindi nakasama sa linya ng mga indie, palagay namin ay mas maganda pa ang chances. Ang pumangalawa ay sinasabing tatlong milyon lamang ang gross sa buong Pilipinas. Ang puma­ngatlo, mahigit na isang milyon lang.

Kung iyan ang babasehan mo, more or less alam mo na kung ilang kilong kamote at kalabasa ang naiuwi ng iba.

Simple lang ang sagot diyan eh. Huwag na nating sisihin ang TV, ang piracy at maging ang fans.

Ang tanong nga lang kasi, kung ang hinahanap sa carinderia ay kaldereta, bakit ipinipilit mo ang sinigang?    

Concert ni Anne inaasahang magiging siksikan

Inihahanda na namin ang aming sarili na makisiksik sa maraming tao, at maaaring mabalya pa bago kami makapasok sa Araneta mamayang gabi para mapanood ang concert ni Anne Curtis na AnneKulit, na sinasabi niyang “promise last na ito”.

Ayaw naming palampasin, kahit na sa totoo lang hindi kami naniniwalang magiging last na nga iyan.

Tiyak ‘yan ang kikitain ng concert ni Anne mamaya mas malaki pang ‘di hamak kaysa sa kita ng lahat ng pelikula nila sa festival na nasa lahat ng sinehan, eh bakit gagawin mong last kung ganoon ang suporta ng mga fans sa kanya?

vuukle comment

JORDAN CLARKSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with