All Star Game ng Kapamilya stars inaabangan kung sino ang magkakapikunan!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - August 18, 2018 - 12:00am

Naku Ateng Salve (my dear editor), alam mo bang pahirapan nang makakuha ng tickets para sa All Star Game 2018 ng Star Magic na gaganapin bukas ng 3:00PM sa Smart Araneta Coliseum?

 

Sold out na ang good seats sa nasabing basketball event ng mga taga-ABS-CBN, huh!

Eh, dalawa lang ang ibinigay nilang tickets sa amin at gagamitin na ‘yon ng mag-inang Sarah Lahbati at Zion dahil susuporta nga sila kay Ri­chard Gutierrez na kakampi ni Daniel Padilla sa Team Red, kaya hirap akong makahanap ng ticket at hindi raw magawan ng paraan dahil mangilan-ngilan na lang sa Upper Box at General Admission ang tickets na natitira at baka nga by today ay maubos na rin ang mga ‘yon.

Kung sina Sarah at Zion ay susuporta kay Ri­chard, si Kathryn Bernardo naman daw ang darating for Daniel.

Tamang-tama naman na parang pinaka-promo na rin nila ‘yon ng pelikula nilang The Hows Of Us na showing na sa August 29.

Siyempre, susuporta rin daw kay Daniel ang nanay niyang si Karla Estrada.

Sana lang walang magkapikunan sa basketball game bukas, ‘noh?!

Eddie gaganap na tatay kina Dennis at Dingdong

Tuluy-tuloy na ang pre-production work para sa Cain At Abel, ang primetime series ng GMA 7 na pagbibidahan nina Dennis Trillo at Dingdong Dantes.

Sa Monday, may look-test na rin ang cast.­

Siyempre, may go-signal na ang Kapuso network na puwede nang banggitin na si Eddie Gutierrez ang gaganap na tatay ng dalawang bida sa series na ‘yon.

Si Tito Eddie naman, excited na rin sa pagsisimula ng taping niya.

Matagal-tagal ding nawala sa Kapuso network si Tito Eddie, kaya naman excited din ang mga taga-Cain At Abel na makatrabaho siya uli.

Lani nagluluksa sa pagpanaw ng Queen of Soul

Isa ang The Clash judge na si Lani Misalucha sa mga fan ng international Queen of Soul singer na si Aretha Franklin. Kaya naman affected din si Lani sa pagkamatay ng 76-year old singer.

Sabi ni Lani nang tanungin ko tungkol kay Aretha, “Siyempre ang favorite ko na kinanta niya is A Natural Woman aside from Respect. Those are the two most popular ones.

“She may not be around anymore but her music will most certainly remain for years to come.

“An artist with an immense talent who pours out all her soul whenever she sings will definitely be missed.

“Thank you Queen of Soul,” sabi pa ni Lani.

Samantala, nabanggit din ni Lani na dapat abangan mamayang gabi sa GMA 7 ang The Clash after ng Pepito Manalo.

Mamayang gabi raw ang simula ng kanilang Pares Kontra Pares episode kung saan ang Clashers ay maglalaban-laban ng tig-dalawa na.

“Parang mas naging exciting nga ang labanan sa round na ito,” sabi pa ni Lani.

Consistent nga pala sa pagiging top rater ang The Clash tuwing Saturday at Sunday, kaya naman sobrang happy rin ang host nilang si Regine Velasquez-Alcasid.

STAR MAGIC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with