^

Pang Movies

Korean pop group Momoland sinundo ni Chavit!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Korean pop group Momoland sinundo ni Chavit!

Bidang-bida ang dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson nang dumating sa bansa kahapon ang all-female Korean pop group na Momoland. Sinalubong niya ang grupo sa airport with matching pictorial ang mga member, huh!

Kagulo ang staff at security ng airport sa pagda­ting ng grupo. Sinalubong din sila ng maraming fans na matiyagang naghintay sa kanilang pagdating.

Nakatakdang magkaroon ng meet and greet sa kanilang fans ang Momoland. Sila ang nagpasikat ng kantang Bboom Bboom na sinamahan nila ng signature dance na ginagaya ng maraming Pinoy ngayon!

Siyempre pa, trending sa Twitter ang hashtag  #MomoLandinPH, huh!

Gladys bigay na bigay kung manampal, pati asawa nabiktima

Sa lakas ng Inday Will Always Love You ng GMA News and Public Affairs, heto’t may book 2 na ang series na balitang tatagal pa hanggang October, huh! Bukod sa galing ng bidang si Barbie Forteza, patok na patok din ang kasamaan ng character ni Gladys Reyes.

Wala kasing daya ang malakas niyang sampal at maging ang asawa niyang si Christopher Roxas na kasama sa series ay ‘di sinasadyang nasampal niya.

“Matapos kong sampalin ang asawa ko, sabi niya, ‘Ang sakit nu’n, huh!’ Siyempre, hindi naman niya nararanasan ‘yon sa totoong buhay! ‘Ang sakit mo pala talagang manampal!’ sabi niya sa akin. ‘Hindi mo man lang inalalayan?’ sabi niya sa akin! Ha! Ha! Ha! ‘Bakit? Ha! Ha! Ha!’ Parang napikon!” kuwento ni Gladys sa presscon ng Book 2 ng Kapuso series.

Pero ang nawindang talaga sa sampal niya ay ang baguhang si Ayra Mariano na parte rin ng series.

“Actually, ang tagal bago maka-recover ni Ayra after ng scene na ‘yon. Sa katotohanan, sa script, hindi ganoon ang execution ng eksena. Siyempre, dahil na rin sa bugso ng damdamin.

“Dapat ‘yon, sabunutan pero kailangan yata mas matindi. Siyempre sinisigaw-sigawan ako eh ako ang mastermind maging CEO siya. May halong dagdag na rin.

“Pero hindi ko ini-expect ‘yung reaksyon niya after kasi ‘yung bata, iyak nang iyak, dahil mag-asawang sampal, pati linya, on the spot na. Nang cut na, napaupo na siya. Iyak siya nang iyak!

“Ako ang na-schock! ‘Ayra okey ka lang?’ Tapos na.’ Ang tagal. Binigyan na siya ng tubig. Tapos, lumapit na ang nanay, umiyak at na-guilty ako!

“Sorry ako nang sorry! Hindi ko alam kung may pinagdaraanan ba siya? O dahil sa sakit ng sampal ko. After na parang maka-recover, sabi niya, ‘Grabe, Ate Gladys, ang tagal kong naka-recover dun!’ First time ko na naranasan ‘yon!” paliwanag ni Gladys.

vuukle comment

MOMOLAND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with