Joshua at Julia
Joshua mas kabadong makipag-Inglisan kay Alice kesa sa bed scene nila ni Julia
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - August 17, 2018 - 12:00am

Excited daw si Joshua Garcia sa mga kukunang daring scenes nila ni Julia Barretto sa first full-length series nila together, Ngayon at Kailanman.

Si Julia naman, bagama’t excited din daw siya, somehow may nerbiyos siyang nararamdaman.

Since sa Monday pa magsisimulang isahimpapawid ang saries, bilang kapalit ng Bagani, hindi pa natural na nakukunan ang mga daring scenes ng dalawa.

Kaya, natural na wala silang ideya kung papaano ipagagawa sa kanila ng kanilang directors na sina Mae Cruz-Alviar at Elfren Vibar ang nasabing daring scenes.

Of course, hindi lang daring scenes ito, pati na rin bed scenes.

Hulaan n’yo naman kung saan higit ninerbiyos si Joshua?, Well, sa mga eksena raw niyang makikipagsagutan siya kay Alice Dixson ng English. Si Alice ay gaganap bilang kanyang ina sa nasabing serye. Anak-mayaman kasi ang role niya dito. Kaya pati porma at pagsasalita ay pangmayaman.

Salamat daw sa Star Cinema, headed by Malou Santos, who is the producer ng Ngayon at Kailanman, at nag-assign ito ng speech and English coach para tulungan siya with his English dialogues. And of course, diction.

Pakiwari raw niya, pati Batangenyo accent niya, mababawasan, kung hindi man mawawala.

Joshua and his family are from Bauan, Batangas.

Tessie nagsusulat ng libro ng buhay

Ngayong tapos na ang seryeng The Blood Sisters kung saan gumanap siya bilang obstetrician na tumulong kay Dina Bonnevie na mailigtas ang triplets nitong anak, aalis na si Tessie Tomas sa Pilipinas para lumipad na papuntang United Kingdom kung saan for 25 years ay doon na sila nakatira ng kanyang asawang si Roger Pullin, pero babalik din daw siya, hindi para bantayan ang kanyang inang si Laura Hermosa na dating radio host at TV anchor, kung hindi para gumawa ng indie movie kung saan siya ang magiging director/producer at artista na rin.

Hindi raw siya kusang umuwi sa ‘Pinas para sa The Blood Sisters na pinagbibidahan ni Erich Gonzales. Nagkataon lang na ini-offer sa kanya ng producer na si Deo Endrinal ng Dreamscape Entertainment Television ang nasabing serye.

Sabi niya, since pagkakataon niya na raw ito para mag-stay ng matagal sa ‘Pinas at maalagaan ang kanyang ina, tinanggap niya na rin daw ito. At masaya siyang tinanggap niya nga ito dahil kahit first time niyang makatrabaho sina Erich at Dina. Na-impressed daw siya sa mga ito.

Right now, Tessie is writing her autobiography too.

Liza nagpasalamat kay Oyo

Naging instant tagahanga daw ni Kristine Hermosa si Liza Soberano nang magkatrabaho ang dalawa sa katatapos lang na serye nilang Bagani kung saan gumanap na kontrabida si Kristine.

First time daw ni Kristine na sumabak sa ganung role, halos lahat daw kasi ng mga role na ginampan niya ay tulad lang din ng kay Liza, palaging leading lady sa pelikula at TV pero hindi sa fantaserye.

Ang Bagani ang nagsilbing comeback performance ni Kristine matapos siyang ikasal kay Oyo Sotto kung saan meron siyang apat na anak.

 “Yes, binanggit niya iyon sa akin,” pahayag ni Liza. “Pero, sobra raw siyang na-attract sa role niya bilang Malaya sa Bagani.”

Bago raw para sa kanya ang role na iyon, lalo na ang pagganap niyang ina ni Ryan Eigenmann na gumaganap bilang Sarimaw.

Masaya si Liza at pinayagan ni Oyo si Kristine na gawin ang Bagani, dahil kung hindi, hindi niya raw ito makakatrabaho.

Sa ngayon ay hindi alam ni Liza ang susunod na project ni Kristine, pero siya naman ay makakapag-fulltime na sa pagsu-shoot ng Darna.

JOSHUA GARCIA JULIA BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with