^

Pang Movies

Iza tanggap na hindi pang acting award ang ginawa sa Distance

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Iza tanggap na hindi pang acting award ang ginawa sa Distance
Iza Calzado

Okay lang daw kay Iza Calzado na hindi siya ang nanalong Best Actress sa Cinemalaya Film Festival 2018 para sa pelikula niyang Distance at wala raw siyang sama ng loob na tinalo siya ni AiAi delas Alas sa pelikula namang School Service.

Ayon kay Iza, alam naman niyang walang moment ang karakter niya sa Distance to begin with.

“I’m actually and even pleasantly surprised whenever I get (positive) feedback, kasi nun’g tinanggap namin ‘yun, there was really apprehension na my character didn’t really have a moment.

“Kahit nga ‘yung iyak ko du’n pinutol pa nina direk Jun (Lana) at saka ni direk Perci (Intalan),” paliwanag ni Iza sa presscon ng Ngayon at Kailanman, ang bago niyang teleserye kasama sina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Pero ginusto pa rin daw niyang gawin ang movie dahil kakaiba raw ito sa ibang karakter na na­gampanan na niya.

“It was a very silent film, everything was restrained. So ‘yun lang. And I did not feel bad at all. At the end of the day, I think whoever had delivered best and who had the best material should win.

“So congratulations to Mis Ai-ai and all the winners. I’m happy though that Terry (Therese Malvar) won (as Best Supporting Actress for Distance and School Service),” she said.

Samantatala, sa NAK ay gagampanan ni Iza ang role na nanay ni Julia at hindi naman daw siya kontrabida rito kungdi palaban lang. Magsisimula na ang serye sa Lunes, August 20.

Ogie walang balak magretiro

Tatlong dekada na si Ogie Alcasid sa showbiz and he’s celebrating it by having a big anniversary concert titled OA: Ogie Alcasid 30th Anniversary Concert on August 24, 8pm sa Araneta Coliseum.

Kahapon sa pocket interview with some of the entertainment press, ayon sa singer/songwriter ay masaya siya na naririto pa rin siya sa industriya after 30 years and intends to stay for more, more years.

Ang salitang “retirement” ay wala raw sa bokabularyo niya at gusto niya, hangga’t humihinga raw siya ay gusto niyang naririto pa rin siya.

““Wala, hindi ako titigil,” he said.

If ever daw siguro ay ‘yung he will take it slow at kung baga, magkaroon ng oras para magbakasyon.

“Sabi ko nga sa asawa ko (Regine Velasquez), ‘hon, mag-ano naman tayo every three months, mag-get away, Balesin naman tayo, ‘yung tayo lang, tayong dalawa lang, wala ‘yung mga anak, sex tayo dun,’” sey ni Ogie.

Huling ginawa raw nila ito ay noong nakaraang birthday ni Regine last April. Nagpunta silang Boracay at may nakakatawang kwento si Ogie.

“Pasko ko pa binuk ‘yun, nung last day na pauwi na kami is April 26. ‘Yun pala ‘yung last day ng island ng Boracay at magsasara na. Sabi ko, ‘makakalabas ba tayo dito?’ So kami lang ‘yung nandu’n. Sobrang saya namin. Sobra,” kwento ni Ogie.

Ang nakakatawa pa raw, nagpalipat-lipat sila ng room dahil wala na ngang tao.

Anyway, sa ngayon ay handang-handa na si Ogie para sa kanyang big anniversary concert at excited nga raw siya dahil first time na magkakaroon ng participation ang tatlo niyang anak na magkakasama na sina Leila, Sarah and Nate.

First time rin niyang makakasama si Vice Ganda on stage at ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra.

Bukod sa tatlong anak, guest din niya siyempre ang misis niyang si Regine, Rey Valera, Michael V., Janno Gibbs, Yeng Constantino, Moira at Bansot Mee. Mula sa direksyon ni Paolo Valenciano with the musical direction of Maestro Gerard Salonga.

For tickets, you may call 911-555 or visit www.ticketnet.com.ph.

vuukle comment

IZA CALZADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with