^

Pang Movies

Julia willing i-share si Joshua kay Alice!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Julia willing i-share si Joshua kay Alice!
Julia at Joshua

May crush pala si Joshua Garcia sa gumaganap na nanay niya sa seryeng Ngayong at Kailanman na si Alice Dixson. Nagkabukingan sa presscon na ginanap last Monday at ang ka-loveteam pa niyang si Julia Barretto ang nagbuking na girlfriend pa ang tawag ng kanyang “baba” sa aktres.

Nagsimula ang bukingan nang ikwento ni Alice na napaka-quiet daw ni Joshua sa kanya kapag nasa set. Ayon sa aktres, hindi raw niya alam kung bakit.

“Naiilang pa yata,” sambit ni Alice.

Singit naman ni Julia Barretto, “I know why.”

Si Joshua naman ay parang kiming-kimi na parang namimilipit na hindi maintindihan.

“Hindi pa kami nagkukuwentuhan sa set. Maybe I’ll find out why naiilang siya. I don’t know if he’ll open up to me,” sabi pa ni Alice.

Nang matanong si Joshua kung bakit siya naiilang, ang tagal bago nakasagot ni Joshua, as usual.

“Gusto ko ‘yung vibe ni Ma’am Alice. Kasi masiyahin lang siya, eh. Tapos cute siya pag nagsasalita, eh,” sabi ni Joshua na parang nahihiya.

Panay naman ang tawa ni Julia na parang kinikilig at all smiles naman si Alice sa sinabi ng young actor.

When asked kung ibig ba niyang sabihin ay crush niya si Alice, hindi na nakasagot si Joshua at panay ngiti lang na of course, ang ibig sabihin ay yes.

Nag-butt in na si Julia at ibinuking na one time raw ay nauna siyang umuwi dahil tapos na ang eksena niya at naiwan pa sa taping si Joshua.

Maya-maya raw ay nagtext si Joshua sa kanya at ipinaalam na pack-up na siya at tapos na raw ang scene nito with his girlfriend. Nagulat siya at ‘yun pala ay si Alice raw ang tinutukoy ng ka-loveteam

“Josh is so kinikilig lang kasi he’s so very appreciative talaga kay Miss Alice. Nun’g nalaman niya pa lang magiging mommy niya, very ano na siya, kinikilig sa fact. So, that’s gonna break the ice, you guys are gonna be soooo close.”

Tawanan.

Komento naman ni Alice, “that’s sweet.”

Hirit pa ng aktres, “so, kung tawag niya sa akin, girlfriend, ano tawag ko sa kanya? Julia, pano ‘yan?”

Sagot naman ni Julia, pwede naman daw silang mag-share kay Joshua. Hahaha!

Vitto hindi kontra sa pag-aasawa ng kanyang ate winwyn

Walang tutol si Vitto Marquez kung talaga bang balak nang pakasal ng ate niyang si Wynwyn Marquez at boyfriend nitong si Mark Herras.

“Syempre po, kung saan masaya si ate, kasi si ate, matanda na and kung saan siya masaya, support ako as a brother,” pahayag ni Vitto nang makausap namin sa presscon ng bago niyang pelikulang Petmalu mula sa direksyon ni Joven Tan.

Okay naman daw sila ni Mark at kung buo naman daw ang loob ng ate niya to get married, wala raw problema sa kanya.

“Kahit anong mangyari, ang pamilya niya, nandito pa rin para sa kanya.”

Hindi masabi ni Vitto kung may wedding plans na sina Mark at Wynwyn dahil nasa usapan na raw ito ng dalawa. Pero hindi pa naman daw niya naririnig sa mga ito ang tungkol sa kasalan.

Samantala, happy si Vitto na may bago na naman siyang movie at ang nakakatuwa, tulad ng Squad Goals, barkada film din ang Petmalu.

“Pero masasabi ko na iba ang twist nito (sa Petmalu). ‘Yung Squad Goals, very light. Dito kasi, ine-explain niya ‘yung mga totoong nangyayari sa mga kabataan,” saad pa ni Vitto.

Showing na sa Sept 5, kasama rin sa Petmalu sina Marlo Mortel, Charles Kieron, Diego Loyzaga, Brian Gazmen, Jairus Aquino and Michelle Vito.

vuukle comment

JOSHUA GARCIA

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with