^

Pang Movies

Goma kinabibiliban sa pagiging chief of mission sa Asian Games

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Goma kinabibiliban sa pagiging chief of mission sa Asian Games
Presidente Digong Duterte at Richard Gomez

Napanood namin sa telebisyon iyong naging send off ceremonies ni Presidente Digong Duterte sa mga athletes na ipadadala natin sa Asian Games na magsisimula sa Sabado. Habang pinanonood namin, feeling proud kami sa actor at mayor din ng Ormoc na si Richard Gomez. Isipin mo, siya ang chief of mission ngayon ng Pilipinas sa Asian Games.

Noong araw nakakatuwa na kung pinag-uusapan ang ilang mga actor na naging mga kilala ring atleta. Isang actor din ang kinikilala noon sa basketball, si Lou Salvador Sr., dahil sa isang game ay nakagawa siya ng 116 points. Walang nakasira ng record niyang iyon sa basketball history ng Pilipinas.

Pero first time ngayon na may isang artista na naging chief of mission. Kung sabagay, inaasahan na namin noon pa na mangyayari iyan. Sinira rin ni Goma ang record ng sports sa Pilipinas bilang kaisa-isang atleta na naging kasapi ng national team sa apat na iba’t ibang sports. Nakasali siya sa national fencing team, rowing team, target shooting at volleyball. Sa ngayon siya rin ang presidente ng Philippine Fencing Association.

Iisipin mo bang maaabot ni Goma ang ganyan, lalo na kung maaalala mo na napapanood mo lang siya noong araw sa basketball ng mga artista sa Star Olympics. Maski ang mga kaibigan naman niya noong araw pa eh, sinasabi nilang magaling talagang mag-basketball si Goma dahil nakakalaro nila iyon sa kanilang lugar.

Pero hindi sa basketball kundi sa ibang sports nag-shine si Goma. Nanalo si Goma ng gold sa Asian Masters Fencing Competition. Nanalo rin siya ng gold sa fencing din sa Vietnam noong 2003 at sa SEA Games sa Maynila noong 2005.

Sa movies naman, ilang ulit na nga ba siyang nanalong best actor, at ang panalo niya laging walang questions. Hindi naman siya nanalo na kagaya ng iba na matapos manalo ay may tsismis na hindi maganda.

Pero talagang tuwang-tuwa kami lalo na nang tawagin siya para iharap ang mga manlalaro sa presidente, at siya ang nagbigay sa presidente ng uniform jacket ng Philippine Team na isinuot naman agad ng pangulo, ipinatong sa kanyang suot na barong.

Natutuwa kami kung may mga taga-showbiz na nagkakaroon ng ganyang pagkakataon. Natuwa na kami nang finally naging mayor din nga si Goma sa Ormoc, matapos ang ilang ulit niyang pagtatangka sa isang eleksiyon. Pero mas natuwa kami ngayon na siya ang chief of mission natin sa Asiad, dahil iyan ay hindi lamang management kung di masusukat din ang kanyang kakayahan sa diplomacy. Mabigat na trabaho iyan. Si Goma ay naging presidential adviser na rin naman on Sports noong panahon ni da­ting Presidente Joseph Ejercito Estrada na ngayon ay Manila Mayor na, kung hindi kami nagkamali. Pero mas mabigat pa rin iyong mapili kang chief of mission. Hindi gob­yerno iyan kung si Goma ang namumuno ng lahat ng sports associations at ang Philippine Olympic Committee. Walang pulitika riyan kundi tiwala lamang nila sa tao bilang isang tunay na sportsman.

Sa totoo lang, kahit na bumubuhos noon ang napakalakas na ulan, at nagbabaha na sa maraming lugar sa ating bansa, natutuwa pa rin kami habang pinanonood namin ang send off na iyon. Para sa amin, isang malaking karangalan lalo na ng mga taga showbusiness ang inabot ni Goma.

Iyan ang tunay na kumakatawan sa samba­ya­nang Pilipino, hindi kagaya ng iba na nagpapanggap lamang naman.

vuukle comment

RICHARD GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with