^

Pang Movies

John Lloyd ‘di na dapat panghinayangan, Jericho andyan pa naman

Vir Gonzales - Pang-masa
John Lloyd �di na dapat panghinayangan, Jericho andyan pa naman
John at Jericho

MANILA, Philippines — Parang hindi na hinahanap ng tao sina John Lloyd Cruz at ang dyowa nitong si Ellen Adarna. Ang huling balita na lang sa kanila ay nanganak na nga ang huli at lalaki raw ang isinilang. ‘Di bale, andyan pa rin naman si Jericho Rosales na binansagang ‘Asian Drama King’.

Ngayon nga ay may bago siyang teleseryeng dapat pakaabangan gabi-gabi, ang Halik, na pinagbibidahan din nina Yam Concepcion, Yen Santos at Sam Milby.

Pagka kasi artista ka at nararamdaman mo nang napapagod ka, maaari ka namang humingi ng mahabang break. Pero iyong sabihin mo na ayaw mo nang mag-artista at bandang huli ay magbabago na naman ang isip mo, aba mahirap na iyon. Kaya dapat, laging pag-isipan ang mga bagay na puwedeng mawala sa ‘yo oras na magsalita ka nang tapos.

Jo Berry pinaiiral ang katigasan ng ulo

Inaabot na raw ng high blood ang Superstar na si Nora Aunor sa bagong aktres na si Jo Berry na gumaganap na Onay sa serye nilang Onanay.

Napakatigas daw ng ulo nito at palaging ang gusto lang ang nasusunod.

Pero kitang-kita naman na gusto ng mga tao ang nangyayari sa nasabing serye, pare-pareho silang mahuhusay.

Si Jo Berry ay walang takot sa pakikipagsabayan kina Cherie Gil at Nora, inilalabas talaga niya ang kanyang galing.

Nandiyan naman ang kanyang nanay (Nora) para suportahan siya kung sakali siya ay nagkakamali-mali.

Mga gustong pumatay kay Coco, parami nang parami

Kung ano ang ikina-relax ni Coco Martin sa serye niyang FPJ’s Ang Probinsyano, siya namang panggagalaiti ni JC Santos dito.

Nagkita na kasi ang dalawa, pero kahit nagbabanatan sila, parang wala namang natatamaan kahit isa sa kanila. Kahit pa tinadtad na ni JC ng bala ang sasakyan ni Coco, nakakalaban pa rin ito.

Si Jhong Hilario naman na gumaganap bilang Alakdan, may sa pusa ata ito. Ilang beses nang nababaril ni Coco pero nakakaligtas pa rin. Akala ng lahat, natepok na siya noon sa bakbakan nila, pero hindi pa rin pala.

Sa dami ng gustong pumatay kay Cardo, abangan na lang natin kung sino sa kanila ang makaka-una.

Maligayang Kaarawan!

Birthday greetings to August born celebrants: Carmi Martin, Kim Rodriguez, Johnny Litton, Sen. Richard Gordon, Lyka Ugarte, Ms. Nora Calderon, Mell Navarro, LVN star Delia Razon, at Ms. Mel Tiangco.                     

vuukle comment

JERICHO ROSALES

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with