^

Pang Movies

Joshua at Julia sobra-sobra ang pagmamahalan, nagpipigil ‘pag matanda ang kaharap

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Joshua at Julia sobra-sobra ang pagmamahalan, nagpipigil �pag matanda ang kaharap
Joshua Garcia at Julia Barretto

Kapansin-pansin na mas open na ngayon sina Joshua Garcia at Julia Barretto sa kanilang nararamdaman at talagang tumotodo na ang sweetness nila na ikinakikilig naman siyempre ng kanilang mga tagahanga. Panay-panay na nga ang PDA (public display of affection) nila at madalas ay ipino-post pa nila ito sa kanilang social media account.

Ayon kay Joshua ay natural na lang daw na lumalabas ito sa kanilang dalawa.

“Siyempre, mahal namin ang isa’t isa, aalagaan namin ang isa’t isa. Siguro, normal na lang na lumalabas sa amin ‘yung pagke-care, ‘yung pagiging sweet ko sa kanya,” sey ni Joshua.

Ayon naman kay Julia, ngayon lang daw naman siya talaga naging mas open.

“I feel like Joshua has really helped me to become very open about my feelings. He’s really opened me up which I think is a good thing. Kasi, I think, for the longest time, I was always so scared. I was afraid to really... kasi feeling ko, konting kibot ko, parating may nasasabi dati ang mga tao.

“Pero now, I just learned to really trust myself and just show them who I really am,” sabi ni Julia.

Pero hindi naman daw sa lahat ng pagkakataon ay nagpapakita sila ng sweetness. Siyempre, may times na nahihiya rin sila especially kapag kaharap daw ang mga elders.

“Sometimes, I just tell Josh na hinay-hinay lang din. Minsan kasi, nanggigigil na talaga siya, nae-excite na talaga siya. So, parang I just remind Josh,” saad pa ng young actress.

Aminado nga si Joshua na sinabihan na sila ng Star Magic na bawas-bawasan ang kanilang PDA ni Julia. Pero ayon sa young actress, parang hindi naman daw sinunod ng ka-loveteam ang pagbabawal.

“Nababawasan naman, kaya naman,” pagkontra ni Joshua. “Pero mahirap din kasing pigilan ang nararamdaman mo.”

Samantala, ang NAK (Ngayon At Kailanman) ang first teleserye ng JoshLia simula nang isilang ang kanilang loveteam noong 2016 sa pelikulang Vince & Kath & James. Kung sa mga dating pelikula nila ay si Joshua ang guma­ganap na mahirap, this time ay reversal of role naman daw sila.

Gagampanan ni Joshua ang papel na Inno habang si Julia naman ay si Eva. Galing sila sa magkaibang mundo – si Inno mula sa makapangyarihang pamilya ng mga Cortes at si Eva naman ay laki sa hirap. Pagtatagpuin sila ng tadhana at ipapakita kung ano ang handang gawin ng dalawang taong nagmamahal para rito.

Magsisimula na sa August 20 ang NAK at kasama rin dito sina Rio Locsin, Iza Calzado, Christian Vasquez, Alice Dixson, Ina Raymundo, Dominic Ochoa, TJ Trinidad at Jameson Blake.

Sharon gumawa na ng sariling network

Bilang bahagi ng isang taong selebrasyon ng kanyang ika-40 na anibersaryo sa showbiz, na papunta sa isang engrandeng major concert na pinamagatang My 40 Years, Sharon ngayong darating na Set­yembre 28 sa Araneta Coliseum, inilunsad ni Sharon Cuneta ang SharonCunetaNetwork, na opisyal na pinagsasamasama ang pinakabagong niyang mga online platforms sa Facebook, Twitter, Instagram, at YouTube.

Nagbibigay ang SharonCunetaNetwork ng eksklusibo at orihinal na content tungkol sa lahat ng mga bagay ukol sa Megastar sapagkat pinagsasamasama nito ang iba’t-ibang aspeto sa karera ni Sharon mula sa pelikula, telebisyon, musika, live performances, at endorsements at pati na rin ang makulay at nakaka-inspire niyang personal na buhay bilang isang ina, asawa, sister, and friend.

Kasama nia pinaka-engrandeng musical at industry events ng taon   sina Louie Ocampo, Mell Villena, at Ryan Cayabyab ang mga musical directors at sina Zsa Zsa Padilla, Kuh Ledesma, Regine Velasquez, Martin Nievera, Basil Valdez, at Gary Valenciano ang mga espesyal na panauhin.

I-like ang SharonCunetaNetwork sa Facebook, sundan ang @SharonCunetaNet sa Twitter, sundan ang @SharonCunetaNetwork sa Instagram, at mag-subscribe sa Sharon Cuneta Network sa YouTube.

vuukle comment

JOSHUA GARCIA

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with