^

Pang Movies

Jennylyn nakauna sa international make up brand

ABOUT SHOWBIZ - Nits Miralles - Pang-masa
Jennylyn nakauna sa international make up brand
Jennylyn Mercado

I-congratulate natin si Jennylyn Mercado dahil siya ang unang Filipino brand ambassador ng isang make up brand. Maganda ang pagwe-welcome sa aktres sa bago niyang endorsement.

Pinost ni Jennylyn ang photo na pumipirma siya ng kontrata at ibang pictures sa contract signing at may hawak siyang may nakasulat na “Jennylyn X Max Factor” at ang comment ng aktres na “Extremely happy and grateful to be part of a new family.”

Ang maganda kay Jennylyn, hindi lang siya influencer ng nasabing make up, kundi brand ambassador at buong make up set ang dala niya. .

Kagagaling pala nina Jennylyn at Dennis Trillo sa bakasyon sa Cambodia. ‘Yun ang pinakaregalo ni Jennylyn sa sarili pagkatapos niyang gawin ang The Cure. Si Dennis naman ay nag-recharge dahil magiging busy siyang muli sa taping ng Cain at Abel nila ni Dingdong Dantes.

Malapit na rin nilang gawin ni Kim Chiu ang Regal Entertainment movie na One Great Love sa direction ni Mac Alejandre.

Mariel gustongmagpakilala kay Nora

Hindi nagme-measure si Mariel de Leon, kaya hindi alam ang vital statistics niya. Ang alam pa niyang vital statisticsay noong sumali siya sa Bb. Pilipinas. That time, 38-27-38 ang vital stats ni Mariel, ngayon, hindi na niya alam, pero ang sigurado siya, lumaki ang waistline niya.

First digital cover ng FHM si Mariel, hindi makikita ang waistline niya sa cover dahil nakaupo siya at may jacket pa. Ang naka-expose lang ay ang tagiliran at ang kanyangboobs. Aminado si Mariel na boobsie siya na namana niya sa de Leon side ng kanyang pamilya.

Honored si Mariel na mapiling mag-cover sa first digital cover ng FHM, good decision ito sa kanya to step up her career. Pero, hiningi muna niya ang approval ng parents at manager niya na pumayag naman. Nang ipakita niya kina Christopher de Leon at Sandy Andolong ang cover ng men’s magazine, nagustuhan nila ito.

Samantala, alam ni Mariel na first wife ng Tatay niya si Nora Aunor, pero hindi pa niya nami-meet ang superstar.

“I never meet her pa, walang chance and I don’t mind ‘pag nakita ko siya. Lalapitan ko siya, I’ll say hi at magpapakilala ako sa kanya. I don’t know if she knows me,” pahayag ni Mariel.

Heart at Xander may reunion

Kita ang excitement at tuwa ng fans nina Heart Evangelistat Korean actor na si Alexander Lee sa post ni Heart na “Reunited with my Jagiya! Excited for you to see what @xander0729 and I are up to...”

Sa rami nang nag-comment at naghihintay ng kasunod na project nina Heart at Alexander after My Korean Jagiya, maganda siguro kung ‘wag masyadong patagalin ng GMA 7 ang next project ng dalawa.

Nag-pictorial ang dalawa na hindi sinabi kung para saan at bago ‘yun, nagkita na rin sila sa reunion ng MKJ cast. Aliw basahin ang comments ng fans, nagso-sorry sila kay Sen. Chiz Escudero dahil sa sinasabi nilang bagay sina Heart at Alexander at kung wala lang daw husband si Heart, gugustuhin nilang maging real ang love team nila ng Korean singer-actor.

Kaya lang, hanggang September na lang dito si Alexander at babalik na ng Korea, pero puwede siyang bumalik ng Pilipinas kapag may project na sila ni Heart.                                               

vuukle comment

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with