^

Pang Movies

Andrea at ina naka-survive sa baha

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Andrea at ina naka-survive sa baha
Andrea

Dahil nga walang tigil ang malakas na ulan, binaha ang maraming lugar sa Metro Manila at maging ang ilang artista ay naapektuhan. Isa na rito ang young actress na si Andrea Brillantes. Nag-post ng larawan ng bahang kalsada si Andrea sa kanyang Instagram account at sa caption ay sinabi niyang naka-survive sila.

“We survived! Thank you sa mga kuya na tumulong sa amin ni mama kahit abot na sa dibdib niyo yung tubig. Wohoo  di ko makakalimutan yung experience na to,” ang post ni Andrea.

Sa kasalukuyan ay busy ang young actress sa dalawang pelikula, ang isa ay Spark with Empress Schuck. Isa itong environmental movie na kinunan pa sa Samar mula sa direksyon ni Bona Fajardo.

Chynna masaya sa pagiging working mom

Bata pa lang si Stellar Cipriano ay may taglay na itong creativity at proud mommy ang nanay niyang si Chynna Ortaleza.

Ipinagmalaki ni Chynna sa kanyang Instagram account ang artwork ni Stellar, na pinamagatan nitong Galaxy x Stellar.

Maliit na bata pa lang ay exposed na si Stellar sa iba’t ibang art medium, at di malayong magaya siya sa kanyang mga magulang na talented pagdating sa musika at art.

Samantala, masaya si Chynna na napagsasabay niya ang kanyang trabaho at pag-aalaga kay Stellar. Kasalukuyang napapanood ang aktres sa Victor Magtanggol at minsan ay sinasama niya sa taping ang anak kaya enjoy ang bagets sa pakikisalamuha sa ibang tao.

Nakaka-relate rin si Chynna sa kanyang role sa VM na isang maybahay na maalaga sa pamilya. Gaya ni Lynette Magtanggol, ga­ni­to rin kaya siya kataray sa loob ng bahay in real life?

Tarayang Nora at Cherie may replay

Hindi maikakailang isa na ngayon sa mga paboritong teleserye ng mga manunuod ang pinakabagong GMA primetime series na Onanay dahil sa kakaibang istorya nito featuring Jo Berry bilang si Onay.

Hindi rin pinalampas ng mga viewers ang tarayan-galore sa pagitan nina Superstar Nora Aunor at Cherie Gil. Kaya naman hindi nakakapagtaka na kasisimula pa lang ay pinag-uusapan na ito at umarangkada na sa ratings.

At para sa mga hindi nakapanood ng well-loved pilot week ng Onanay, worry no more dahil muli niyo itong mapapanood ngayong Linggo (Agosto 12) pagkatapos ng Dear Uge.

Muling balikan ang pagsisimula ng kwento ni Onay at alamin kung ano ang mga pagsubok ang hinarap ng kanyang pamilya.

vuukle comment

ANDREA BRILLANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with