^
Liway ni Glaiza nanguna sa pagiging box-office hit
Glaiza

Liway ni Glaiza nanguna sa pagiging box-office hit

(Pang-masa) - August 12, 2018 - 12:00am

Ka-swerte naman ni Glaiza de Castro, at sigurong talagang napaka-ganda ng mo­vie niyang Liway na dinirek ni Kip Oebanda kung kaya ito ang nanguna sa box-office sa matatapos nang ginaganap na Cinemalaya Film Festival. Dahil dito ay binigyan ito ng one special screening ngayong araw sa CCP Little Theater, 2:30 NH. Mauunang ipalabas ang pumangalawa sa takilya na ML na tampok sina Eddie Garcia at Tony Labruska.

Charo malaki ang naitulong kina Piolo at Arci

Maganda at nakakaiyak yung Friday at finale episode ng Since I Found You. Nakatulong ng malaki sa ikinaganda ng kuwento ang temang pagpapatawad sa lahat ng nagkamali at nagkasala. Malaki ang naging ambag ni Ms. Charo Santos sa serye kahit limitado lamang ang kanyang exposure, lalo na sa ending ng serye.

Sana tumanggap pa siya ng ibang projects. Tama rin lamang yung panahong itinakbo ng kuwento, kuntento ang manoood, hindi naumay. Swak ang kumbinasyon ng cast (Piolo Pascual, Arci Muñoz, Alessandra de Rossi, Empoy Marquez, at JC de Vera, pati na sina Carmi Martin, Sweet Lapuz at Michael de Mesa).

Devon nilulutuan na ng teleserye

Kapuso na pala si Devon Seron. Pitong buwan na pala siyang wala sa Star Magic. Wala naman daw naging problema sa pag-alis niya sa network dahil maayos siyang nagpaalam at pinayagan naman siya. Gusto niyang magpaalaga naman sa GMA. Mukha namang hindi siya nagkamali ng desisyon dahil agad ay may nilulutong teleserye para sa kanya. Nakatulong pa marahil para agad siyang pagkatiwalaan ng proyekto sa pagkakasali niya sa Pista ng Pelikulang Pilipino ng pelikula niyang Bakwit Boys na binigyan ng grade A ng Cinema Evaluation Board.

GLAIZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with