^

Pang Movies

Piolo sukang-suka sa pulitika, kahit bayaran ng bilyon hindi kakandidato

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Piolo sukang-suka sa pulitika, kahit bayaran ng bilyon hindi kakandidato
Piolo

Diretsahang sinabi ni Piolo Pascual na wala siyang kainte-interes na pasukin ang pulitika at kahit daw bayaran pa siya ng isang bilyon ay hindi siya tatakbo.

 

“I believe I have a better platform being in showbiz and all. I don’t need politics. Maski bayaran mo ako ng isang bilyon, hindi ako tatakbo. Baka takbuhan ko,” natatawang sabi ni Piolo.

Okay na raw siya sa buhay niya ngayon at hindi na naghahangad na mag-iba pa ng karera.

“Okay lang ako, ayokong nasa bingit ng kamatay ang buhay ko. Hindi ko kaya,” natatawa pa niyang sabi.

Aminado naman siyang napakarami nang nag-alok sa kanya para tumakbo pero hindi na raw niya ito siyempre ine-entertain.

“Natatawa lang ako, siyempre hindi ko na ine-entertain. Sabi ko, ‘busy po ako.’ So, hanggang du’n lang. I’m just showing them that I’m not interested.”

Hanggang ngayon ba ay may mga offers pa?

“Wala na naman, literally na lumalapit. Wala rin naman tayo sa survey. So, alam naman siguro ng mga tao na wala akong panahon para sa politics,” sey pa niya.

Ngayong tapos na ang serye niyang Since I Found You, na nag-finale na kagabi (Friday), sa Marawi film naman daw siya magpo-focus at diretso na siya agad sa Mindanao. Kumpleto na raw ang casting nila at may nakita na silang kapalit ni Daniel Padilla na isang baguhang aktor.

Mark handa sa random drug test

Isa ang Kapuso star na si Mark Herras sa mga artistang sumusuporta sa Bola Kontra Droga anti-drug campaign sa Bulacan na proyekto ni Bulacan Vice Governor Daniel Fernando.

Ang nasabing proyekto ay isang basketball shoot-out na naglalayong hikayatin ang mga kabataan na lumayo sa droga at ibaling ang atensyon sa sports tulad ng basketball.

Sa press launch ng Bola Kontra Droga na ginanap last Thursday sa Bulacan State University sa Malolos, Bulacan, natanong ang mga celebrities kung willing ba silang magpa-drug test kung sakaling hilingan sila.

Ani Mark, of course ay very willing siya at kwento nga niya nang magkaroon nga raw ng ramdom drug test sa GMA-7 talents at noong 2016, siya na mismo raw ang nagkusa na i-submit ang sarili.

“Hindi ko na hinintay ang araw para magpa-drug test ako sa GMA kasi baka sabihin naman ng iba na ‘O, sa GMA ‘yan, baka pagtatakpan nila ‘yan.’ So, pumunta ako sa ospital mismo at nagpa-drug test.”

Ang iba pang kasamang celebrities ni Mark sa Bola Kontra Droga campaign ni Vice Gov. Daniel ay sina Joross Gamboa, Matt Evans, Onyok Velasco, Jordan Herrera, Derrick Hubalde, Marco Alcaraz, Joseph Bitangcol, at JC Tusieco.

Ginanap na rin last Thursday ang first basketball game nila sa BSU at iikot sila sa mga campus sa Bulacan para maglaro.

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with