Carlo Aquino at Angelica Panganiban
Angelica at Carlo, laging magkabuntot!
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - August 10, 2018 - 12:00am

Spotted na magkabuntot ang sinasabing nagkabalikang sina Carlo Aquino and Angelica Panganiban sa isang mall last weekend.

Wala pang confirmation na nagkabalikan sila, pero ang isang sigurado may movie na silang natapos, ang Exes Baggage na malapit nang ipalabas.

Malalaman ang totoong status ng relas­yon nila pagkapalabas ng pelikula.

Ilang pelikulang tagalog nakaka-windang ang konsepto

May windang factor ang ibang pelikulang Tagalog ngayon.

Wow, shocking, maraming naka-focus sa kapangitan ng ating bayan. Wala kang mararamdang ‘entertainment’ pag pinanood mo.

Dati ang panonood ng pelikula ay form of entertainment. Yung paglabas mo sa sinehan, masaya ka, magaan ang loob, good vibes. Pero may ilan akong pelikulang Tagalog films na napanood na paglabas ko ng sinehan, tumutulo pa ang luha ko. Mabigat ang loob at nagdarasal na sana hindi totoong nangyari ‘yung napanood ko.

Wow. Kelan kaya magkakaroon ng pure entertainment ang karamihan sa mga pelikulang Tagalog.

Pray tayo.

May ilang magaganda at nakakatuwa, pero ma­raming nakaka-windang at hindi mo alam ang tunay na mensahe sa mga mano­nood.

ANGELICA PANGANIBAN CARLO AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with