^

Pang Movies

Nagpaliwanag, Kris natakot umepal sa group photo ng CRA

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Nagpaliwanag, Kris natakot umepal sa group photo ng CRA
Crazy Rich Asians cast

May isang netizen na nagtanong kay Kris Aquino sa Instagram kung bakit wala siya sa group photo ng Crazy Rich Asians cast.

Sinagot naman ito ng Queen of All Media na ayaw niya raw umepal.

“Because nahiya naman akong umepal & it was so nice to chat w/ the family of Mr. Emmerich & the rest of the Filipinos inside,” sagot ni Kris.

Sa post nga rin ni Kris ay ikinuwento niya na in-approach siya ni Mr. Emmerich ng Warner Brother Pictures na producer ng Crazy Rich Asians.

“If you’ll ask me what my unforgettable moment inside the TCL Chinese Theater was- it was being approached by the @wbpictures group chairman Toby Emmerich because he wanted to introduce his favorite staff member from the Beverly Hills Hotel who is a Filipina American.

“He said that for 25 years she’d been taking such great care of him but had never asked for premiere night tickets except for tonight for @crazyrichasians because she wanted to meet me.

“It was just so heartwarming how many pictures Mr. Emmerich took of us because it just proved to me that anywhere in the world- our graciousness as a people is valued,” ang post ni Kris.

Pagpapalit anyo ni Alden, high-tech

Kung pagiging pulido lang din naman ng effects ang pag-uusapan, hindi na pwedeng itanggi na ito talaga ang maipagkakapuri ng Victor Magtanggol.

Bukod kasi sa mabusising anggulo ng mga eksena, talagang nakakabilib ang CGI ng serye ng Kapuso Network. Maipagmamalaki ang gawang Pinoy at hindi binigo ni Direk Dominic Zapata ang mga manonood dahil tinupad niya ang pangakong papantay ito sa standards ng mga viewers ngayon.

Hindi basta-basta ang naging pagpapalit ng costume ni Alden mula pagiging Victor Magtanggol sa pagiging Hammerman.

Naka-focus ang camera sa paglabas ng armor ni Hammerman, pati mga hibla ng tela na kumakapit sa katawan ni Victor, pinakita ng serye.

Jo Berry walang pinagsisihan

Sa pamamagitan ng Instagram stories, ini-reveal ng newbie actress na si Jo Berry na ang Kapuso star na si Mikee Quintos ang isa sa mga dahilan kung bakit niya tinanggap ang karakter ni Onay sa seryeng Onanay.

Isa kasi ito sa mga nag-encourage sa kanya noong nag-uumpisa pa lang sila na kaya niya ang umarte kasabay nina Superstar Nora Aunor at Cherie Gil.
And it turned out na tama ang desisyon niya dahil talaga namang mainit na pinag-uusapan ngayon ang kakaibang kwento ng Onanay at inspiring sa manonood ang pagiging bida ni Jo.

Kaya naman waging-wagi sa ratings ang first two days ng serye laban sa katapat na programa ng kabilang istasyon.

vuukle comment

CRAZY RICH ASIANS CAST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with