Robin Padilla
Piolo at Robin binawalang pumasok sa ground zero
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - August 10, 2018 - 12:00am

Lumabo ang balak nina Robin Padilla, Piolo Pascual at Bb. Joyce Bernal na mag-shooting sa ground zero sa Marawi City kaugnay ng pelikulang ilang buwan na nilang pinaplano.

Sa Instagram post ni Robin, ngayong August sana ang simula ng shooting ng pelikula tungkol sa nangyari sa Marawi City. Pero binawalan daw sila ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines sa pagpasok sa ground zero dahil sa hindi sumabog na bomba.

“Security and safety is always the priority kaya I leave it all to ALLAH! Matuloy pa o hindi GOD is my witness I only do these things for the glory of God! Our Nation and our People.”

Ang kikitain ng movie ay mapupunta sana sa housing project ng Tindig Marawi na halos 300 million pesos ang kailangan para sa full development nito.

Kris nagpaliwanag sa inisnab na isa pang yellow gown

Walang sama ng loob ang sikat na Pinoy designer na si Francis Libiran kahit mas pinili ni Kris Aquino ang yellow Filipiniana gown na gawa ni Michael Leyva na isuot sa world premiere ng kinabilangang Hollywood movie na Crazy Rich Asians.

Ayon sa reports, bago ang event, hinilingan ni Kris sina Libiran at Leyva na gawan siya ng limang gowns para isuot pero mas pinaboran ng Queen of All Media ang design ni Leyva.

Kaya pramis niya kay Libiran, isusuot din niya ang ginawang modern Filipiniana gown, “SOONEST.”

“Francis – I loved your creation (especially the yellow – but I have a badly bruised left arm from my health scare & the sleeves ended right where the bruising was most prominent...” bahagi ng rason ni Kris.

Bumati rin si Francis sa pride na ibinigay sa bansa ni Kris at gayundin kay Leyva na pride din ng Philippine fashion.

“Your presence in Hollywood best represent the power of Filipino artistry and creativity showing the world what we are really made of!!!” post ni Libiran.

ROBIN PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with