^

Pang Movies

Jennylyn nasapawan na ni Jessy!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Jennylyn nasapawan na ni Jessy!
Jennylyn at Jessy

Nanibago ang malalapit na press kay Atty. Aloji Alonso nang biglang sumulpot si Jessy Mendiola na bida sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ng Quantum Films na The Girl in Orange Dress.

Sa tatlong nakaraang MMFF kasi, si Jennylyn Mercado ang female lead sa pelikulang English Only, Please,  Walang Forever at All Of You. Inusisa namin ito sa lawyer-producer sa press preview na prinodyus na Pinay Beauty She’s Now White.

“Mahilig ako sa letter J! Ha! Ha! Ha!” maikling tugon ni Atty. Joji.

Eh, nakailang shooting days na si Jessy sa movie at kuntentung-kuntento ng producer sa resulta ng ilan niyang mga eksena. Lalo na ngayong payat-payatan na si Jessy kaya naman lutang na lutang ang alindog niya.

Pero teka. May isa pang intriga sa movie ni Jessy sa Quantum, huh! Siya ang current girlfriend ni Luis Manzano na ex-boyfriend naman ni Jennylyn, huh!

Well, Jennlyn’s loss is Jessy’s gain, huh!

Cinemalaya movies hindi pinupuri, mas pinilahan pa ang short film

Mas lumikha pa ng ingay ang frontal nudity ni Kiko Matos sa isang short film na palabas sa ongoing Cinemalaya indie festival. Halos sold out ang kada screening nito ayon sa ilang nakapanood.

Eh, sa totoo lang, wala pa kaming nababasang good review ng entries. Good performances me­ron pero ‘yung talagang kalidad ng nagmarkang Cinemalaya movie noong nagsisimula pa lang ang festival eh wala pa talagang nag-super stand out.

Ayon nga sa isang kaibigan, sa feature films na palabas, iisa lang daw ang nagustuhan niya, huh! Paano pa kung isinapubliko na at ipalabas na ang ilan sa mainstream theatres?

Aba, dapat mag-isip-isip na ang namamahala sa Cinemalaya dahil baka ang maganda nilang nasimulan eh mauwi lahat sa bokya, huh!

Remember, ang dami nang nagsulputang indie film festival kaya mag-isip-isip na sila!

vuukle comment

JENNYLYN MERCADO

JESSY MENDIOLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with