^

Pang Movies

Dennis at Jennylyn tuloy ang pagpapaligaya sa ibang bansa

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Dennis at Jennylyn tuloy ang pagpapaligaya sa ibang bansa
Dennis Trillo at Jennylyn Mercado

Kasalukuyang nag-e-enjoy ngayon ang showbiz couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa Cambodia base na rin sa kani-kanilang Instagram post.

Sunud-sunod ang post ni Dennis since Saturday ng mga larawan nila habang nagbabakasyon. Unang post niya ay makikitang magkaakbay sila at nasa Bayon Temple.

Second post niya ay larawan ni Jen at nilagyan niya ng caption na “Nirvana.” Sa location ay nakasaad na nasa Phnom Kulen sila.

Sa ibang mga post niya ay makikita ang mga lugar na pinuntahan nila.

Si Jen naman ay nag-post ng larawan nila ni Dennis at may caption na “oooh its always better when we’re together.”

Sinamantala ni Jen ang bakas­yon since katatapos lang niya ng The Cure teleserye niya sa GMA 7. Nakatakda siyang mag-taping ng bagong soap sa Setyembre na kukunan pa sa ibang bansa.

Hindi pa puwedeng sabihin ang detalye ng bagong serye pero ayon sa manager niyang si Becky Aguila ay romantic-comedy naman ito this time at opening salvo ng GMA 7 sa 2019.

CJ Ramos natangayan ng isang milyon kaya nalulong sa droga

Nakakaawa rin ang former child actor na si CJ Ramos na napasama sa maling barkada at nalulong sa droga. Ngayon nga ay nakakulong siya sa Caloocan City Police Station matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation sa Tandang Sora, Quezon City last July 31.

Ekslusibong nakapanayam si CJ ni Korina Sanchez ng Rated K sa piitan nito at dito ay nag-open-up ang dating child actor kung paano siya nagsimulang malulong sa drugs.

Sa kwento ni CJ, nang magsimulang tumamlay ang career niya noong high school siya at pati ang perang naipon ay nawala, barkada ang kanyang nasulingan.

“Pagdating ko ng high school, medyo tumatamlay na po ‘yung karera ko nu’n, alanganin ‘yung edad ko ba, alanganing bata, alanganing matanda. Hindi na ako pinapirma ng kontrata ba, wala akong manager, napabayaan po,” kwento ni CJ.

May naipon at naipundar daw siya that time pero unti-unti ring nawala. Ang mahigit isang milyong naipon niya na gagamitin daw sana sa kanyang pag-aaral ay napautang nila at hindi na binayaran sa kanila.

“Simula po nu’n, as in zero. Parang pinagtakluban po kami ng langit at lupa. Ang inuulam namin sa loob ng 2 taon, isang sardinas, itlog at kanin. Naghahati po kami du’n na pamilya. Doon ako na-depress sigu­ro. Kasi, first time ko pong naramdaman ang hirap na ganu’n, eh. Dahil nun’g bata po ako, nagtatrabaho nun’g bata ako, hindi ganu’n ang buhay ko, ma’am,” he said.

At doon na nga nagsimulang mapasama sa maling barkada si CJ hangang sa magsimula na rin siyang gumamit ng shabu.

Dahil sa bisyo, napabayaan na raw niya ang sarili niya at inabuso ang kanyang katawan.

At some point ay na-realize rin niya na dapat nang itigil ang kanyang bisyo. Isang taon daw niyang kinaya na tumigil at nag-aral  sa TESDA, nag-apply sa ibang bansa pero aalis na lang daw siya ay nagkaroon pa ng problema at hindi natuloy ang kanyang pag-alis.

Ayon sa ama ni CJ, nang hindi matuloy ang pag-alis patungong Macau, na-depress na naman ang anak niya at napabarkada na naman.

At the end of the interview ay hindi na napigilan ni CJ ang mapaluha.

“Napakahirap po makulong. Sinasabi ko na lang po sa sarili ko na pagsubok lang ‘to.

“Basta ang gusto ko lang, maging malaya at saka ‘yung maayos na buhay. Magandang buhay lang po, okay na ‘yun. Hindi naman po ako naghahangad ng kung ano pa. Makasama ko lang ang pamilya ko, okay na,” ang sabi ni CJ habang pumapatak ang luha na talaga namang nakakadurog ng pusong tingnan.

Pinayuhan din siya ni Korina na hindi pa naman huli para magbago dahil bata pa naman siya. Panay “opo” naman ang sagot ni CJ at aniya, magbabago na raw siya.

Well, we could only wish na sana nga ay totoong magbago na siya. Isa rin siya sa magagaling na child actors dati at siguro naman ay pwede pa siyang bigyan ng pagkakataon sa showbiz uli.

vuukle comment

DENNIS TRILLO

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with