^

Pang Movies

Aljur at Kylie may madamdaming mensahe para kay Alas

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Aljur at Kylie may madamdaming mensahe para kay Alas
Kylie Padilla

Sa kani-kanilang Instagram account ay nagpost din ng kanya-kanyang mensahe sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla para sa kanilang anak na si Alas Joaquin para sa first birthday nito.

“My love and my sweetheart, my heart and my soul. It has only been 1 year but it feels like a lifetime. It feels like everything that has happened in the past, happened in preparation for your arrival into our lives.

“You have carried so many blessings along with you. You bring light into all of our hearts. I am so grateful to be able to be your mom. You are so wonderful. An incredible little human being.

“If I had one message for you it would be for you to follow your curiosity and never let fear stop you from exploring this world. To explore is to discover and to discover requires new levels of understanding and learning, may you my love have all of those.

“Di mo man mababasa ito, ok lng. I will do my best to help you, guide you teach you as you in return teach me and your dad.

“Thank you for giving me hope and thank you for healing all my scars. Thank you for putting smiles on my face. Thank for being our little bundle of joy. And thank you for being the friend, the family, the life I prayed so long for. Your papa and I love you so much. Happy birthday My Bubylushhhh,” ang napaka-touching na birthday message ni Kylie na ipinost niya sa kanyang Instagram account.

Maikli pero punong-puno rin ng pagmamahal ang pagbati ni Aljur sa anak.

“Happy Birthday Anak naalala ko pa noong unang beses kitang nahawakan, tumigil ang mundo ko noon. Ang bilis ng panahon at 1 taon ka na. Salamat anak sa ligayang araw araw na ibinibigay mo sa amin at pagbago ng buhay ko. Mas luminaw ang direksyon at nasagot din ang hinahanap kong purpose noon. Excited ako anak sa mga taon pang darating. Maraming salamat anak sa mga darating pang maliligayang araw na idudulot mo. I love you,” post ni Aljur.

Winwyn nagpaka-fan girl kay Joey

Puring-puri ni Winwyn Marquez ang kanyang amang si Joey Marquez kung gaano ito kagaling bilang aktor at komedyante.

Magkasama ang mag-ama sa pelikulang Unli Life na isa sa official entries sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2018.

“Nagkasabay kami sa dubbing, first time kong mag-dubbing. Nanood siya. So, hirap pa ako at first.

“Nung pinanood ko siya nun’g nagda-dubbing, parang... alam na niya talaga. Ang dali-dali sa kanya tapos naga-adlib pa siya, kung ano-ano na ang pinagsasabi niya. Sasabihin pa niya, ‘pakiulit nga, mayroon akong naisip na ibang joke.’ So, ang galing-galing. Sabi ko, paano nagagawa ‘yun? So, nagkukuwento siya sa akin kung paano, ganyan,” kwento ni Winwyn.

Ayon pa sa aktres/beauty queen, naging fan daw siya tuloy ng ama.

“Sobrang naging fangirl ako sa sarili kong tatay. It’s nice to see him work sa alam niyang field and may natutunan din ako sa kanya. Sana, magawa ko rin ‘yun on TV and on another film,” she said.

Pagdating naman sa kanyang leading man na si Vhong Navarro, aminado rin si Winwyn na fan na siya nito noon pa man.

vuukle comment

KYLIE PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with