^

Pang Movies

Anne mas malaki pa ang gastos sa isusuot kesa sa mismong concert

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Anne mas malaki pa ang gastos sa isusuot kesa sa mismong concert
Anne Curtis

Mukhang relaxed na relaxed pa rin si Anne Curtis nang dumating siya sa media launch ng kanyang nalalapit na concert sa Araneta Coliseum, iyong AnneKulit, Promise Last Na ‘To.

Noong hapong iyon ay galing pa raw siya sa kanyang voice lessons at ipinagmamalaki niyang sinabi ng kanyang voice tutor na mas humusay na ang kanyang pagkanta kaysa noong una. “Nasanay na kasi ako sa kakakanta sa Showtime,” ang sabi pa niya.

Mukhang wala rin siyang pagod dahil pagkatapos noon ay sinasabing pupuntahan naman niya ang isang block screening ng pelikula niyang BuyBust.

Pero papaano nga ba niya inihahanda ang kanyang sarili para sa concert.

“Ngayon I’m having voice lessons kasi hindi lang naman iyong mga numbers ko ang pinaghahandaan ko. Actually mas natatakot ako doon sa mga numbers ko na kailangan kong gawin kasama ang mga guest artists sa concert na ito. Aminado naman ako na sa singing mas magaling silang lahat sa akin, kasi singers sila talaga, which I am not. Hindi naman ako singer talaga eh, pero nakakanta ako. I’ve had two concerts na noong una sabi ko isa lang talaga, susubukan ko lang. Nasundan ng isa pa at ngayon pangatlong concert ko na ito. Feeling ko nga sobra na,” sabi pa ni Anne.

Ipinagmamalaki rin naman niya na bumenta hindi lang ang concerts niya, pati album.

“Kahit nga iyong isang album ko, iyong Annebisyosa, umabot naman iyon sa platinum kahit na nga sinasabi kong hindi naman ako singer talaga. Naaappreciate naman ng mga tao iyong kanta ko. Pero iyong mga concerts ko naman ever since, hindi lang singing eh. Ang isang lagi kong attraction ay iyong mga sinusuot kong damit. It also becomes a fashion show.

“Kagaya nga ngayon dito sa concert ko, kinuha nila iyong mga couturier na gumagawa ng mga gowns ni Ariana Grande, tapos may Korean designer pa eh. Kaya talagang sigurado magaganda lahat ng mga damit na gagamitin ko. Nakakatawa nga na ang budget para sa mga damit na gagamitin ko, mas malaki pa sa total cost ng concert na gagawin namin. Pero iyan ang expected ng mga tao eh, hindi lang ako kakanta, may makikita silang mga ganyang damit,” sabi ni Anne.

Pero papaano ang kanyang pagkanta?

“Iyong numbers ko kasama si Sarah Geronimo, tiyak na mapapalaban ako sa mga sing and dance numbers diyan at pinaghahandaan ko iyan. Iyon namang kasama si Miss Regs (Regine Velasquez), kantahan iyon. Boses ang kailangan doon kaya nga ngayon pa lang may voice lessons na ako.

“Excited ako doon sa magiging number ko with Aegis. Kakantahin ko kasama sila iyong Halik. Iyang Halik na yan has been a part of my career. Kahit na saang lugar ako mapunta sa buong Pilipinas, sa lahat ng mga mall shows, kinakanta ko yang Halik. This is the first time that I will be singing it with the original singers, iyong Aegis and that makes me excited.

“I will have a number with James Reid, tapos iyong Ex Battalion. Maraming magiging surprises sa concert na iyan,” sabi niya.

Pero bakit nga ba “promise last na ito”.

“I think I have done more than enough of singing. Sa akin ok na iyon. I have done it at maganda naman ang results, tama na iyon. I’m a TV host and an actress naman talaga,” sabi ni Anne.

Pero maniniwala na kayo na ang August 18 concert niya ay magiging last na talaga?

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with