Nora kinatakutan ni Direk Gina
Gina Alajar
Nora kinatakutan ni Direk Gina
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - August 6, 2018 - 12:00am

Huhusgahan na ngayong gabi ang newest heart-warming primetime series na Onanay na tampok sina Ms. Nora Aunor, Ms. Cherie Gil at ang bagong Kapuso actress na si Jo Berry, sa direksyon ni Ms. Gina Alajar.

Sa presscon natanong si Direk Gina kung ano naging feeling niya nang malaman niyang ang ididirek niya ay ang kaibigang si Nora?

“Na-overwhelmed ako nang malaman ko na pumayag siyang gawin ang Onanay,” sabi ni Direk Gina. “Noong una hindi ko alam kung maniniwala ako o hindi, kung totoo o ano, kung matutuloy or hindi. Kasi nang unang sabihin sa akin, under negotiation pa kay Guy. Pero we are praying na sana ay tanggapin niya ang offer dahil she will be really very, very good for the project.

“At nang tanggapin na niya ang project, siyempre kinakabahan ako. Dahil you don’t direct her, you don’t direct a Nora Aunor. Nang magsimula na kaming mag-taping, binantayan ko ‘yung sarili ko, baka mamaya madulas ako, baka makalimot ako sa sarili ko, sabihin ko sa kanya, ‘Guy, dito ka, ha?’ ‘Ganito ang gawin mo, ha?’  Kaya very careful ako, na yung pagkausap ko sa kanya will not sound as if I’m giving her directions. Alam ko naman kasi, she knows what to do sa bawat eksenang gagawin namin.”

Si Nora Aunor ay si Nelia, ang gaganap na nanay ni Onay (Jo Berry), at lahat ng mga hirap na pagdadaanan niya sa story, naroon si Guy, nakasuporta sa anak. Isa nga sa makakasama ni Guy si Cherie Gil na sister-in law naman ni Direk Gina.

“Ganoon din naman kay Cherie, siyempre, hindi mo na siya dapat idirek, dahil alam na alam niya ang gagawin niya dahil siya talaga ang ‘La Primera Kontrabida,’ hindi na bago sa kanya ang role na iyon.”

Si Cherie Gil naman ang mother-in-law ni Jo Berry, na-in love sa kanya ang anak nitong si Elvin (Adrian Alandy), at hindi niya iyon matanggap, kaya dumanas ng hirap sa kanya si Onay. Kaya ngayong gabi, samahan natin ang journey ng mag-inang Onay at Nelia, sa Onanay, pagkatapos ng Victor Magtanggol.

Ruru ayaw mag-girlfriend ng taga-showbiz

Todo-deny si Ruru Madrid sa biro ng ilang press na nakita siya sa lobby ng GMA Annex noong isang araw. Na siya raw ang dahilan ng break-up ng magka-love team na Miguel Tanfelix at Bianca Umali, type daw kasi niya si Bianca.

“Hindi po totoo iyon, maganda po ang samahan namin sa Sunday PinaSaya dahil doon ko lamang sila nakakasama,” say ni Ruru. “Hindi ko gagawin iyon sa mga kasama ko. Hindi ko rin po alam na break na sila ni Miguel. Yes, maganda po si Bianca, pero ayaw ko pong maging girlfriend ang masyadong bata sa akin. Saka ngayon mas gusto ko pong maging girlfriend hindi taga-showbiz.”

So, ipakilala na niya ang non-showbiz girlfriend niya? Sorry raw dahil wala pa siya talagang girlfriend ngayon. Mas focus siya sa career niya. Sa ngayon, hindi pa niya pwedeng sabihin ang bago niyang project sa GMA 7.  Katatapos lamang niyang mag-guest sa The Cure na muli niyang nakasama si Kylie Padilla, na matagal nang niri-request ng mga fans nila. Bukod sa Sunday PinaSaya, busy si Ruru sa kanyang food park sa Antipolo City at pagpapaganda ng katawan.

GINA ALAJAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with