Taong may mga kakulangan, di dapat pinipintasan
TSUPPATID - Letty Celi (Pang-masa) - August 6, 2018 - 12:00am

Maganda ang nakaraang episode ni Mel Tiangco sa Magpakailanman noong July 28, may kuwento itong tiyak na kapupulutan ng aral.

Tungkol ito sa isang atletang iisa lang ang binti, ngunit sa kabila ng kanyang kapansanan, sinikap pa rin niyang maging normal at nagtiyaga sa larangang napili. Sa pamamagitan ng kanyang pagtakbo, naitaguyod niya ang kanyang pamilya at napag-aral niya ang iba niyang kapatid.

Ang kanyang ama ay isang magsasaka kaya hindi sila nito kayang pag-aralin, sa kabila ng mga naitulong niya sa kanyang pamilya, salot at malas pa rin ang tingin sa kanya nito.

Lumayas siya sa kanila at nagsumikap lalo para sa sarili, itinuloy lang niya ang pagtakbo hanggang sa makatapos na nga siya ng kanyang pag-aaral.

Pagkatapos ng lahat ng nangyari, umuwi pa rin siya sa kanila dala ang kanyang diploma. Inalay niya ito sa kanyang ama at agad naman na silang nagkapatawaran.

Moral lesson: Huwag nating husgahan ang mga taong may kapansanan o anumang kakulangan sa katawan, huwag nating pintasan o maliitin dahil someday baka ikaw ang tamaan ng latay ng karma!

Mga taga-Golden City, puro artistahin

First telecast pa lang ng bagong teleserye na Victor Magtanggol ng GMA7 ay napakaganda na ng ratings nito, kaya naman lahat kaming nakapanood ay nagpalakpakan. Siyempre, Alden Richards yata yan.

Simula pa lang na mag-artista si Alden ay idol na namin ‘yan, sapagkat kapitbahay lang namin yan dito sa Golden City (Sta. Rosa Laguna). Parang kailan lang ay totoy na totoy pa siya pero poging-pogi na siya noon pa. Pamatay ang dimples niya. Hindi kami nagkamali sa sinabi namin sa kanyang butihing ina noon na kung papasukin ni Alden ang showbiz, tiyak na sisikat siya.

Para sa kaalaman ng lahat bukod kay Alden ay nariyan din si Mark Herras na isa ring kapitbahay namin dito na nag-artista at sumikat din. Sila ang mga grupong tinawag namin na Golden Boys. Nauna si Mark mag-artista bago si Alden at si Renzo ay sumikat naman sa larangan ng pag-awit.

Mayroon pang Magno Twins na makikilala na rin like Alden and Mark na kumukutikutitap na ang mga pangalan.

Katrina at Jackie ayaw nang mapanood

Sobra naman itong mga TV fans ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka at The Stepdaughters, mga nakikipanood lang naman na mga helpers na neighborhood namin. Happy daw sila dahil matatapos na sa ere ang mga said series. Nasusuka na raw sila kay Katrina Halili at Jackie Rice na pawang mga Kontrabida ang role.

Para raw kasing wala ng katapusan ang kasamaan ng dalawa at nadagdagan pa ng isang kontrabida sa katauhan ni Jackielou Blanco bilang Nanay ni Jackie Rice, sarap daw kurutin sa tinggil! Ay grabeh kayo, bakit sa tinggil pa, di ba pwedeng sa singit lang? Isa lang ang masasabi ko, kaya kayo naiirita kasi magagaling silang kontrabida. ‘Yun lang!

Personal…

To my dearest Ethel Ramos, past president ng PMPC, one of the best person and friend na itinuturing ko, bukod sa iba pang mga columnist-writers.

Isang mabangong pagbati ng happy, happy birthday (noong nakaraang August 1) and more birthdays hanggang gusto mo (smile).

May the good Lord bless you, guide you, care for you. Mama Mary showered you with her love. Take care, a prayerful weekend.

MEL TIANGCO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with