^

Pang Movies

Australian actor na si Chris Pang, ibinuko sa interview ang 18 na alalay ni Kris sa shooting ng CRA

Nitz Miralles - Pang-masa

MANILA, Philippines —  Naaliw si Kris Aquino sa interview ng Australian actor na si Chris Pang. Isa rin si Chris Pang sa mga bida sa Crazy Rich Asians at lumabas sa interview ng aktor sa Preview magazine na noong shooting ni Kris ng Crazy Rich Asians sa Singapore, 18 staff daw ang kasama nito.

 

Ang alam ni Kris, eight sfaff lang ang kasama niya at kabilang dito ang make-up artist, hair stylist at fashion stylists at ang team niya na tatlong tao lang. Inakala ni Chris Pang at ibang nasa shooting na staff ni Kris ang mga bumisita sa kanya.

Bumisita rin kasi kay Kris ang Ariel P&G team based in Singapore na may dalang flowers. Dumalaw din ang friends ng finance manager niyang si Nicko Falcis at dumating din ang mga boss ng Unilever at General Mills na may mga produkto na ini-endorse ni Kris.

“Exagg” ang reaction ni Kris at deadma na siya. Siguro naman magkikita sina Kris at Chris Pang sa red carpet premiere ng Crazy Rich Asians sa August 7. Batiin kaya ni Chris Pang si Kris?

Ruru itinanggi si Bianca!

Natawa kami kay Ruru Madrid nang makita namin siya GMA Annex building noong isang araw dahil hindi pa kami nagsasalita, inunahan na niya kami. Hindi raw totoo ang mga nabalita at nasulat gaya ng nasulat naming nanliligaw siya kay Bianca Umali.

Kahit sinabi namin at ng ibang reporters na totoo ang tsika sa kanila ni Bianca at may mga nakakakita sa kanila, nag-deny pa rin ang aktor. Mali raw ang mga tsikang nakakarating sa press people.

Hindi itinanggi ni Ruru na nagkakasama sila ni Bianca at dahil daw ‘yun sa magkaibigan sila nina Andre Paras at may binanggit pa itong ibang Kapuso stars na friends daw nila ni Bianca.

Hindi sumagot o baka hindi narinig ni Ruru ang tanong namin kung bakit hindi nila friend si Miguel Tanfelix na love team ni Bianca at boyfriend nito bago sila nag-break.

Naku, abangan na lang natin ang mga susunod pang balita sa isyu kina Ruru at Bianca

Alden ramdam na ramdam ang nanay kay Coney

May kwento si Coney Reyes sa taping ng Victor Magtanggol, napansin daw ni Alden Richards na ang mga damit na ipinapasuot kay Coney sa nasabing telefantaserye bilang si Vivienne, ‘yun daw ang mga istilo ng damit na isinusuot ng mom niya noong nabubuhay pa ang mommy niya, kaya lalo raw naging emotional si Alden.

Hindi ito nabanggit ni Alden sa presscon ng Victor Magtanggol at hindi rin nakwento ni Coney. Nitong airing na lang ang show niya naaalala ang mga bagay na ito. Kaya siguro, mas lalong naiiyak si Alden sa mga eksena nila ni Coney.

Bago ang second week, may recap muna sa pilot week ng Victor Magtanggol this Sunday dubbed Victor Magtanggol Rewind mula 3:30pm to 5:25pm sa GMA-7.                                                                                       

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with