^

Pang Movies

Hanggang comment lang Milyun-milyong followers ng mga artista sa social media hindi nanonood ng pelikula!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Bakit nga ba ang publisidad at maging ang followers ng isang artista sa social media ay hindi nila magamit para makalikha ng isang pelikulang kikita sa takilya? Nagtataka sila eh, ang isang pelikulang bugbog sa publisidad sa social media ay nag-flop. Iyong isang artistang ipinagmamalaking sampung milyon ang kanyang followers sa social media, flop din ang pelikula.

 

Talaga nga bang hindi maisasalin ang social media mileage sa box office returns?

Matagal na po naming sinasabi iyan. Kung ang publisidad sa social media ay pinaniniwalaan ng mga nanonood ng sine, di sana, naging malalaking hits na ang lahat ng indie na kung purihin sa social media ay abot hanggang langit. Pero ang totoo, ang magbabayad ng halos tatlong daang piso sa sine ay naghahanap ng mapagtitiwalaan nila na maganda nga ang pelikula, kaya tumitingin pa rin sila sa mga diyaryo.

Nasa diyaryo kasi iyong mga kakilala na nila at may record na mapagtitiwalaan. Alam din naman nila na ang tv, may kanya-kanya ring interests ang networks, kaya hindi rin mapaniniwalaan sa mga sinasabi nila tungkol sa mga pelikula.

Maski na diyaryo naman namimili sila. Kasi alam nila kung ang laman ng binabasa nila ay press release lamang at binobola sila. Akala ba ninyo naniniwala ang mga tao sa fake news? Napakababa ng tingin ninyo sa kaisipan ng masa kung ganoon. Matalino po ang masa. Hindi ninyo sila maloloko.

May isang pelikula, pinuri ng mga kritiko, pinuri ng mga artista. Binatbat ng napakaraming blocked screening, naghakot sila ng manonood kahit na libre pa. Pero ang ending ano? Kumita lang ng 56 milyon sa loob ng tatlong linggo. Maliwanag na flop pa rin, ikaila man ng mga pralala. At sino ba ang naniniwala pa sa ang mga sinusulat ay puro pral la? Sino ba ang naniniwala pa sa “bayad na pagsasahimpapawid”? Tapos magtatanong pa kayo kung bakit nag-flop?

Bela piniling maging loveless

Talagang magandang bata si Bela Padilla ha. Noon lang isang araw nang makita namin siya roon sa media launch ng A Day After Valentine’s, halos wala siyang ayos. Naka-casual clothes lang pero ang ganda talaga ng dating niya. Aba eh kung ikukumpara mo naman si Bela doon sa mga naggaganda-gandahan lang, o mga operado ni Belo, kay Bela na lang kami.

Pero sabi nga, bakit sa kabila noon, single pa rin si Bela hanggang ngayon?

Simple lang ang sagot ng actress, “single po ako by choice. Gusto ko munang asikasuhin ang career ko at ang future ko”.

Tama naman siya. Tingnan ninyo iyong iba, na ang inuuna kung ano iyong wala sa ayos. Tapos nabuntis, eh ano pa ang mangyayari sa career? Di wala na.

BF Ni Ms. Conservative nakipagtikiman sa model na ma-L

Ano kaya ang sasabihin ni Miss Conservative kung maririnig niya ang kuwento ng isang sexy female model na nagsasabing “naka-date” niya ang poging boyfriend ni Miss Conservative? At hindi basta date na namasyal lang sa isang park while holding hands ang sinasabi. Date daw sa isang “mas malamig” na lugar, kung saan “may mainit na nangyari”.

Pero kagaya nga ng sabi namin, tsismis lang naman iyan. Hindi dapat paniwalaan agad. Pero ang female model, mukhang nagsasabi ng totoo at medyo kinikilig pa sa pagkukuwento ng kanyang istorya. Parang gusto nga niyang maulit pa.

vuukle comment

BELA PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with