JC Santos
Kaya walang GF ibinuko ni Bela, JC libro at halaman ang kaligayahan
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - August 5, 2018 - 12:00am

Ano nga ba ang maipapayo nina JC Santos at Bela Padilla sa isa’t isa pagdating sa love since pareho silang single ngayon at parehong dumanas ng break-up?

 

“Okay ‘yun na mataas ang standard mo,” sabi ni JC kay Bela.

Paliwanag ng aktor, “para deserved niya ‘yung magiging susunod na relationship.”

Si Bela naman, aniya ay happy siya na nakikitang ine-enjoy ni JC ngayon ang buhay nito.

“When I say enjoy ang buhay, hindi siya nagde-date around, ha? Nagha-halaman siya, inaalagaan niya ‘yung aso niya, nagbabasa siya ng libro. Tuwang-tuwa siya du’n. Iba ‘yung happiness niya kapag kinukwento niya na ‘uy, may bago akong halaman.’ So, nakakatuwa, at least ine-enjoy niya ‘yung life niya,” sabi ni Bela.

Magkasama sina JC at Bela sa The Day After Valentine’s na second movie nila matapos ang 100 Tula Para Kay Stella last year.

Dahil nga 2nd team-up na nila ito, may tawag na rin sa loveteam nila, at ito ay JCBel.

Winwyn ayaw munang isipin ang future

Kung si Joey Marquez ang tatanungin, ayaw na niyang sumali pa ulit sa beauty pageant ang anak na si Winwyn Marquez na as we all know ay itinanghal na Miss Reina Hispanoamericana 2017.

“Hindi na. First place nu’ng una, sabi ko sa kanya, ‘you do not need to be a title holder because to me you’re beautiful already’,” sey ni Tsong.

Bago nanalong Miss Reina Hispanoamericana si Winwyn ay naging first runner-up ito sa Miss World 2017 with a title of Reina Hispanoamericana Filipinas 2017.

Kung si Winwyn naman ang tatanungin, sa ngayon daw ay naka-focus daw kasi siya sa kanyang showbiz career lalo’t maraming opportunities na dumarating tulad nga nitong first movie niya na Unli Life kung saan ay leading lady siya agad ni Vhong Navarro. Bukod dito, kasama pa niya ang tatay niya sa movie na first time rin.

“Sa ngayon po kasi, I’m very happy with all the opportunities that’s coming in, so, I want to focus on what I have now. Tagal pa kasi ‘yun, next year. So, sa ngayon, masaya po ako sa ginagawa ko and I want to focus ‘yung now. Ayoko munang isipin ‘yung future ko,” she said.

JC SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with