Venice
Venice gustong mag-aral sa school ng mga Hollywood celebs
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - August 2, 2018 - 12:00am

From Los Angeles, nag-long drive ang mag-iinang Ruffa Gutierrez, Lorin at Venice sa San Francisco, California papunta sa Bay Area noong Tuesday morning (kahapon ng madaling araw sa atin).

Halos gabi na ay wala pa sila sa Bay Area dahil pahintu-hinto sila dahil hindi kaya ng bunso ni Ruffa ang mahabang biyahe.

Hindi na sana sasama sa Bay Area si Venice, pero biglang nagbago ang isip niya, kaya si Ruffa naman, parang hindi na maulit ang pagkahilo’t pagsusuka ng bunso, madalas na lang silang tumitigil sa biyahe.

Sa San Francisco na rin nila sasalubungin ang 15th birthday ni Lorin sa Friday at saka sila babalik ng L.A. dahil Saturday lunch time naman ang flight nila pabalik ng Pilipinas.

Nang makasama namin ni Richard Gutierrez ang mga anak ni Ruffa, ikinuwento ni Lorin na gustong mag-aral ni Venice sa Beverly Hills High School.

Maraming sikat na Hollywood celebrities ang nag-aral sa school na ‘yon.

Ang uncle ni Venice na si Raymond Gu­tierrez ay sa nasabing school nag-graduate ng high school.

Alice buking na, kasal na pala

Ilang mga kaibigan ni Alice Dixson ang tinanong ko kung aware sila sa tsikang kasal na ang aktres sa general manager ng Crimson Boracay na nagngangalang Laurent.

Hindi raw sila aware tungkol sa bagay na ‘yon.

Ang alam lang nila, boyfriend ni Alice si Laurent na taga-Belgium at dating Dubai based.

Pati ba sa kanyang mga kaibigan ay inilihim ni Alice ang tungkol sa pagpapakasal nila ni Laurent?

“Nabuking” ang tungkol sa status nina Alice at Laurent dahil sa pahayag ng nasabing resort and spa sa Boracay na married ang aktres sa isang top executive nila at official residents with proper documentation ang mga ito ng nasabing island.

Naintriga kasi si Alice nang maglabas siya ng birthday pictures niya habang nasa Boracay siya.

Pero ang mga kaibigan ni Alice, aware na nagpupunta talaga siya sa nasabing island dahil nga karelasyon niya ang GM ng nasabing resort and spa.

Maglabas din kaya si Alice ng official statement tungkol sa tsikang kasal sila ni Laurent?

Well…

OA ni Ogie excuse sa network war

Star-studded ang OA, ang 30th Anniversary Concert ni Ogie Alcasid na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa August 24.

Siyempre, hindi mawawala sa event na ‘yon ang misis niyang si Regine Velasquez-Alcasid.

Kahit co-producers ang Star Events at ABS-CBN Events doon, pati ang ibang mga taga-GMA 7 na friends ni Ogie like Michael V. ay guests din sa OA.

Mukhang hindi naman sila nahirapang magpaalam sa GMA 7 big bosses tungkol sa bagay na ‘yon.

Kahit kasi umalis si Ogie sa Siyete, wala naman siyang bad blood sa executives ng Kapuso network.

Actually, naging maayos naman ang pagpapaalam ni Ogie nang lumipat siya sa TV5 at nang mawala naman siya sa TV network na pag-aari ni Mr. Manny V. Pangilinan, kinuha naman siya ng Dos.

Naging maayos din naman ang paglipat ni Ogie from TV5 to ABS-CBN, kaya nga sa OA, sponsor pa ang PLDT Home na sister company naman ng Kapatid network.

So, wala talagang networks war pagdating sa OA concert ng singer/songwriter, ‘noh?!

VENICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with