^

Pang Movies

Poster ng Thor at VM ginawang malaking isyu!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Pati ang fanmade poster ay ginagamit ng mga bashers ni Alden Richards para gawan ng issue ang bago niyang telefantasya na Victor Magtanggol na nagsi­mula na last Monday.

May isang artist named Paulo Naparan na gumawa ng poster ng VM na hawig na hawig sa Thor ng Marvel at ginamit ito ng mga bashers para palabasing nango­ngopya ang telefantasya ni Alden.

Hindi ito official poster ng GMA-7 at malinaw naman na fanmade lang pero kung bakit nga ginawan pa ng maling issue.

Good thing, naglabas ng paglilinaw ang gumawa ng poster na fanmade lang ito na ipinost niya sa Pinoy Graphic Artist ng Facebook group.

“Then night after kung saan saan ko na siya nakikita, and also napagmumula na ng hate ang kabi kabilang bash yung show because of this.

“Di ko alam, I created this to support Victor Magtanggol hindi po para ibash or kung ano man. Sorry.

“Sana bigyan natin ng chance yung show. And kudos sa mga writers ng GMA para sa mga bagong ihahain sa kanilang manunuod,” ang paliwanag ni Paulo.

Bukod dito, noon pa naman nilinaw ng VM team na hindi nga kopya sa Thor ang telefantasya kungdi based sa Norse Mythology na isang public domain.

Baguhang singer nakalimutan ang linya ng kanta  

Unforgettable para sa bagong singer na si Macoy Mendoza ang recent guesting niya sa concert ni Prima Diva Billy’s TRIPLE 7 The Concert na ginanap sa Teatrino (Promenade, Greenhills) last July 7 dahil ito ang kanyang first experience into mainstreal live singing.

“Nagkamali ako nung una - di ba’t inulit ko yung first line ng song? Grabe ang nerbiyos ko at first. Pero when I’ve started singing, parang unti-unting nawala ang kaba ko and I felt comfortable na with the rest of the songs. Galing kasi ni Tito Butch (Miraflor, musical director)- mabilis siyang umalalay sa akin. I felt so good when the audience started clapping. Thank God!” kwento ni Macoy.

Naniniwala naman ang producer ng concert na si Jobert Sucaldito na may potensyal si Macoy dahil iba raw ang timbre ng boses nito.

Sa ngayon, Macoy is preparing for his first major concert at Teatrino on October 6, 2018. He will have a few wonderful guests in his real baptism of fire.

“I really have to sit down with Tito Butch for our line-up. Ngayon pa lang kinakabahan na ako sa magiging outcome ng show. Sana makalusot ako rito. Please help me God,” Macoy crosses his fingers.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with