^

Pang Movies

Nam Joo Hyuk at Sandara nabugbog ng wild na fans!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Nam Joo Hyuk at Sandara nabugbog ng wild na fans!
Nam Joo Hyuk at Sandara Park

Malabo nang bumalik ng ‘Pinas

Kumalat sa social media especially sa Twitter world ang nangyaring pagdumog ng mga “wild” fans sa South Korean actor na si Nam Joo Hyuk sa Penshoppe Fan-Con in Manila na ginanap sa Mall of Asia Arena last Sunday, July 29.

Dumating sa bansa ang lead actor ng Weightlifting Fairy Kim Book Joo kasama si Sandara Park para sa said event ng Penshoppe na ine-endorse nila.

Sa nasabing event ay nagkaroon ng Meet & Greet sa event kung saan ay nagkaroon din ng pagkakataon ang fans na makapagpa-picture (photo opportunity) kasama sina Dara and Nam Joo Hyuk.

Pero habang nagpo-photo opp ay isang hindi magandang insidente ang nangyari na nakunan pa ng video at nag-viral online.

Napanood namin ang video at makikita naman talaga na na­ging “wild” na ang ilang fans na hinahawak-hawakan na si Nam Joo Hyuk sa iba’t ibang parts at niyayakap-yakap kahit panay ang warning na ng hosts na “no holding.”

Makikita rin na hinihila at dinudumog ng fans ang aktor at dumating pa sa point na sinabi na ng host na “guys, hindi siya professional wrestler, okay? Don’t try to grapple him. If you really love him, please respect his personal space as well.”

May umaawat naman kaming nakita na marahil ay part ng security pero obvious na hindi nila nakokontrol ang fans.

Si Sandara na katabi ni Joo Hyuk ay naitulak-tulak pa ng fans.

Sa nasabing video ay makikita rin na bandang huli ay hindi na talaga kumportable si NJH sa nangyayari at hindi na halos makangiti.

Ang daming nadismaya sa inasal ng Pinoy fans at nakarating pa sa iba’t ibang panig ng mundo ang insidente dahil nasulat pa ito sa Ko­rean pop blog na AllKPop.

Sa Twitter ay mababasa mo rin ang napa­kara­ming batikos ng netizens sa fans na nagpakita ng hindi magandang asal at komento nga ng iba, sexual abuse na raw ang ginawa ng mga ito sa Korean actor.

Ang dami ring nagkomento na baka raw hindi na bumalik si Nam Joo Hyuk sa Pinas matapos ang nangyari.

Marami rin ang sumisisi sa poor security na ibinigay sa aktor na hindi malaman kung kanino ba responsibilidad – sa Penshoppe ba or kung may iba pang event organizer na involved.

Well, ang alam namin ay mahigpit talaga ang seguridad sa mga South Korean stars na nagkakaroon ng fan meeting sa ibang bansa. Hindi sila basta basta pwedeng magpa-picture, lapitan at lalo na ang hawakan. Kaya nakapagtataka talaga na nangyari ito kay Nam Joo Hyuk dito pa sa Pinas.

Related video:

Janine ‘di inexpect na mag-aasawa pa uli si Lotlot

Sobrang happy ni Janine Gutierrez para sa ina niyang si Lotlot de Leon na ikakasal na sa December sa Lebanese fiancee na si Fadi El Soury.

“Excited (ako). Ang mahalaga naman po talaga sa akin, ‘yung kaligayahan niya and I know she’s very, very happy. Kasi pagka-propose pa lang, tinawagan na niya agad kami na magkakapatid, na binigyan nga raw siya ng singsing and she’s very happy, so happy po kami para sa kanya,” pahayag ng leading lady ni Alden Richards sa Victor Magtanggol.

Aminado si Janine na hindi raw talaga niya ine-expect na mag-aasawa pa ang kanyang ina.

“So, ito na siguro ‘yung pinaka-final step para masabi na nakahanap na nga siya ng forever niya,” she said.

When asked kung ano ang reaksyon ng ama niyang si Ramon Christopher Gutierrez, ani Janine, “okay naman, okay naman kasi okay naman po sila ni Mama, eh. Nagkakasama pa rin kami kapag may isang may birthday sa amin or anything. So, okay naman sila. And alam ko naman na forever na ‘yung pagmamahal ni Papa kay Mama at kasama na du’n ‘yung gusto niyang ma­ging masaya si Mama.”

vuukle comment

NAM JOO HYUK

SANDARA PARK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with