^
Heaven priority muna ang pagpapagamot sa nanay na may cancer
Heaven

Heaven priority muna ang pagpapagamot sa nanay na may cancer

ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - July 28, 2018 - 12:00am

Inamin ni Direk Julius Alfonso na may iba na silang mga nakausap para sa kanyang pelikulang Harry & Patty, in fact hindi lang isa kung hindi ilang artistang babae rin pero mukhang walang pumasa kay direk at ang pinili niya ay si Heaven Peralejo. Hindi pa nakakatrabaho ni direk si Heaven, pero nang makita raw niya iyon sa screen sa isang serye sa telebisyon, naisip niya agad na puwede itong itambal kay Mark Neumann sa kanyang pelikula.

 

Si Heaven, nabigla rin daw nang minsang magkita sila ni Mark at sabihin sa kanya na siya pala ang magiging leading lady noon sa pelikula. Pareho silang second lead lang naman dahil ang nasa title roles na Harry & Patty ay sina Ahron Villena at Kakai Bautista.

“Gusto ko po talaga na maging isang dramatic actress. Noong bata pa po ako, napanood ko iyong mga pelikula ni Miss Judy Ann Santos at talagang hangang-hanga ako sa kanya. Sabi ko sana isang araw ay magkaroon din ako ng pagkakataong maging artistang kagaya niya. Sinusundan ko lahat ng mga ginawa niyang pelikula at mga serye. Iyong iba niyang mga pelikulang mas nauna, hinahanap ko sa video para mapanood ko.

“Pero pagdating po sa acting, siyempre po kung ano ang hini­hingi ng director ko iyon ang gagawin ko. Pero dito sa Harry & Patty, mabait po si direk sa amin. Madalas hinihingi niya ang opi­nion namin kung papaano ang gusto naming gawin sa eksena. Kung nakikita naman po niyang tama, iyon ang ginagawa namin. Kung mayroon naman siyang mas magandang idea, sinasabi niya,” pagkukuwento ni Heaven.

Inamin din niya na maraming dahilan ang kanyang pagsisikap. Gusto niyang paghandaan ang kanyang kinabukasan.

“Ngayon po nag-aaral ako ng business management, at gusto ko sana na mai-apply agad ang pinag-aaralan ko. Gusto kong makaipon ng puhunan, tapos papasok ako sa real estate business. Pero iyong pag-iipon ko, hindi pa talaga nagsisimula, kasi po tinutulungan ko muna ang mother ko. Nagkaroon siya ng cancer at magastos ang medication, kaya sa ngayon kung ano man ang kinikita ko, gusto ko munang itulong para sa mother ko. Siguro naman mahaba pa ang panahon ko para makapag-ipon, at saka hindi ko naman puwedeng pabayaan ang mother ko,” sabi pa ni Heaven.

Ang mga ganyang bata na nagsisikap para sa magulang ay nagkakaroon ng magandang kinabukasan iyan.

COA tuloy ang paghahabol kay Cesar

Hinahabol na naman ng Commission on Audit si Cesar Montano. Ngayon naman dahil sa kanyang ginawang labindalawang biyahe raw sa loob ng isang taon, at pagbili pa ng business class na ticket ng eroplano na hindi pinapayagan maliban kung may permiso ng presidente. Kasama raw ni Cesar sa mga biyaheng iyon ang kanyang executive assistant private secretary, na siyempre nakadagdag pa sa gastos.

Maraming hinahabol ang COA pero hindi naman nila sinasampahan ng kaso, kaya wala ring nangyayari. Iyon din namang mga taong napagbibintangan, hindi rin maidepensa ang kanilang sarili dahil wala ngang kaso, eh saang forum sila magpapaliwanag.

Ang pinakamaganda riyan, kung may makitang violation, kasuhan nila para mas lumabas kung ano ang totoo. Habang walang kaso, wala tayong mapapatunayan.

 

 

HEAVEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with