^

Pang Movies

Walang nakahalata, umamin, Nathalie four months preggy!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Walang nakahalata, umamin, Nathalie four months preggy!
Nathalie Hart

Seksing-seksi pang dumalo si Nathalie Hart sa premiere ng sexy-comedy film na Kusina Kings pero walang nakapansin sa kanyang tiyan.

Sa pocket interview na isinagawa ng manager niyang si Leo Dominguez, una muna niyang sinabi na magpapakasal na siya sa boyfriend na isang Indian na Mayank ang name pero nakiusap na huwag nang isulat ang apelyido dahil very private ang pamilya.

“Ayaw muna naming ilabas na may boyfriend ako. Hndi pa ganoon ka-strong ang relationship namin to tell everyone that I have a boyfriend. Same guy pa rin,” panimula ni Nathalie.

Sa darating na December sila ikakasal ng boyfriend. Bakit ganoon kadali ang desisyon niyang magpakasal?

“May hinahabol na kami eh,” saad niya.

Buntis ba siya?

“Yeah! Fourth months na ako. Aaminin ko naman. Lalabas din naman pero maliit pa ang tiyan ko sa four months,” pahayag ng seksing star.

“Nu’ng nagsu-shoot kami ng Abay Babes, naka-swimsuit na kami, four months na ako noon.

“Alam ko pero hindi ako nagsasalita. Buntis na ako. Then the whole time na nagsu-shoot ako ng Blood Sisters, ng Kusina Kings, and ‘yung kila Diether Ocampo, buntis na ako noon. Parang walang nakakaalam na mga tao.

“Tapos, sinasabi ko, ‘Bakit ko ipapaalam?’ Ipaalam ko na pag buo na. Kasi pag first two months pa lang, puwede pang malaglag.

“Ngayong fourth month na ako, I’m okay. I’m happy. Happy naman ako sa relationship ko, happy naman ako sa life ko.

“It’s just that nagkasabay-sabay lang ngayon. My career, biglang may kasal, buntis na ako. It’s just overwhelming for me.

“My family and his family are happy. Excited lahat sila. Excited din akong magka-baby,” diin pa ni Nathalie.

“I cried nu’ng una. God, hindi ko akalaing mabubuntis ako. Hindi ko akalaing kaya kong mabuntis. But no regrets,” paliwanag ni Nathalie.

Hanggang kaya pa eh tatapusin ni Nathalie ang lahat ng kanyang showbiz commitments at manatili muna siya sa Australia hanggang sa lumaki ang bata.

Birthday ni Sarah nag-trending sa Twitter

Thirty years old na si Sarah Geronimo kaya naman ang fans niya, may Twitter party gamit ang hashtag na #Happy30thBirthdaySarahG.

As of press time, pasok ito sa number 4 spot sa trending topics sa Twitter PH.

Magsisilbi namang regalo ni SG sa kanyang followers ang latest movie niyang Miss Granny na malapit nang ilabas.

Aliw na aliw ang ilan naming kaibigan nang mapanood nila ang trailer sa screening ng BuyBust dahil sa pagkanta ng Pop Star Royalty ng ilang lumang kanta.

Kakaibang Sarah ang makikita sa pelikula na bukod sa pagpapakuwela eh, winner din ang version niya ng old hit songs na Rain na unang kinanta ni Boy Mondragon at ang A-Kiss A Kiss ni Efren Montes.

For a change, sina James Reid at Xian Lim ang makakalambingan ni Sarah sa Bb. Joyce Bernal film.

And at 30, may Matteo Guidiceli nang nagpapaligaya kay Sarah, huh!

Kris imbitado sa premiere ng Rich Crazy Asians

Nakatanggap ng invitation si Kris Aquino para sa premiere ng Crazy Rich Asians na gaganapin sa August 7, 2018, sa TCL Chinese Theater sa Hollywod Boulevard, Hollywood.

Marami pa rin kasing duda na bahagi siya ng film adaptation ng best-selling novel ni Kevin Kwan. Kahit tiklop pa rin sa detalye ng role, pinost pa rin niya ang invitation sa kanyang Instagram kahapon para magsilbing inspirasyon sa lahat nu’ng magdesisyon siyang mag-audition para sa role.

“If there was ever a time you had doubts about the future because of the burdens of today – I hope this post will inspire you. I was practically back to zero when I auditioned for this film March 25, 2017.

“Sumugal na dahil ang paakiramdam po walang mawawala...Na-shock dahil June 14, 2017 nag start ag shooting na...

“Bawal pa rin ang-reveal nung role mo (waiting for the go signal of @wbpictures when we can release some pictures of me in costume kasi pag nakita na yung gawa ni @michael5cinco medyo giveaway nap o) pero para po sa karangalan nating pinoy – napakalaking “boost” ito!

“I have been greatly blessed because my U based agent @agentchrislee sent @kevikwanbooks agan – kailangan na lang po ng permission ng isang super big food brand dahil may 3 day endorsement shoot for them na matatamaan #kapitlang #lovelovelove,” caption ni Kris.

At least, unti-unti nang nasu-solve ang puzzle kung bahagi talaga si Kris sa Crazy Rich Asians, huh!

vuukle comment

NATHALIE HART

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with