^

Pang Movies

Michelle ayaw tantanan sa Binibini

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Michelle ayaw tantanan sa Binibini
Michelle Vito

Excited daw ang 20 year old na si Michelle Vito dahil finally, bibida na rin siya sa isang pelikula. Ang Dito Lang Ako kung saan makakasama niya si Jon Lucas bilang kanyang leading man.

Ang nasabing pelikula ay idinirek ni Roderick Lindayag at produced by Blade Entertainment, ang Philippine-based multi-media arm ng Blade Asia, Inc.

Ang istorya at script naman nito ay gawa nina Harvey Aquino at Fanny Dychiao.

Ang Blade Asia Inc., ay kilala sa car accessories retailing dito sa bansa via Blade Auto Center.

Samantala, bukod kina Michelle at Jon, tampok din sa pelikula sina Akihiro Blanco, Boots Anson-Roa, Freddie Webb at Rey Abellana. Hindi rin mawawala sina Dj Durano, James Deakin at Garie Concepcion na anak ni Gabby Concepcion.

Inuudyukan naman si Michelle ng mga malalapit sa kanya na sumali siya sa Bb. Pilipinas Universe dahil sa ganda nitong pang-beauty queen.

Huli siyang napanood sa Ipaglaban mo na hosted by the father and son team nina Jose and Jopet Sison na parehong abogado.

Pia naaamoy na ang panalo ni Catriona

Hinuhulaan na ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang posibleng pagkapanalo ni Catriona Gray sa darating na Miss Universe contest na mangyayari sa November.

Hindi pa tiyak kung saang lugar ito gaganapin, baka raw Macau o China.

Ang tatay ni Catriona ay isang Australian, habang ang nanay naman niya ay isang Bicolana.

Pangarap daw niyang maging TV host at artista.

Gina Lopez may proyekto para sa malalayong lugar

Magsisilbing mentor si Marvin Agustin sa finalists ng The Quest for Love na inilunsad ni Gina Lopez. Isa itong proyektong inilunsad via her foundation Loving Organizations for Village Economies (ILOVE) Foundation.

Ang pangunahing layunin ng Quest for Love ay maturuan ang mga komunidad para palaganapin ang kaunlaran sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila ng negosyo o magsimula ng isang proyekto.

Higit na gustong matulungan ni Gina ang mga komunidad sa malalayong lugar, sa pamamagitan ng paghikayat sa kanila na ma-involve sa eco-tourism, forestry at fishery.

Bawa’t isa sa walong mananalo, ma-ipi-feature individually sa programa ni Gina Lopez na G Diaries sa ABS-CBN.

Tuwing ikalawang Linggo ng buwan ay tatanggap sila ng cash donation of P100,000, maliban nga sa mentoring at suporta pa rin na matatanggap nila mula kay Marvin. Pati na rin sa social entrepreneur na si Lilac Diaz.

Jolina malaki ang naitulong kay Marvin

Waiter pa lamang noon si Marvin sa isang restaurant sa Mo­rato street sa Quezon City nang pakiusapan siyang mag-deliver ng pagkain sa isang TV producer.

Nagkakilala sila ng nasabing producer at nang malaman niyang sumasayaw pala siya, inudyukan siyang sumali sa isang dance contest ng kanyang programa. Naging malaking tulong na maging ka-love team niya si Jolina Magdangal para eventually sumikat si Marvin bilang aktor. Sa ngayon, si Jolina ay kilala na ring TV host and a happy wife and mother to two children.

Since mahilig sa pagluluto noon pa man, kumuha si Marvin ng kursong culinary at kalaunan nga ay naging chef siya at naging boss sa sariling restaurant.

Hindi lang daw sa Metro Manila ang branch ng resto niya na ito, maging sa iba’t ibang parte na rin daw ng bansa ay meron ito.

Minsanan na lang kung lumabas si Marvin sa TV, sa ngayon at katatapos lang niyang gumawa ng serye sa GMA 7.

Ang kambal naman ni Marvin na sina Sebastian at Santiago ay 11 years old na ngayon at parehong nag-aaral sa exclusive schools.

vuukle comment

MICHELLE VITO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with