^

Pang Movies

Ruffa at Pops rumarampa sa Cali

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Ruffa at Pops rumarampa sa Cali

Parehong nasa Los Angeles, California sina Ruffa Gutierrez at Pops Fernandez, kaya nagkita sila noong Saturday for lunch (Sunday ng madaling araw sa atin).

Isinama ni Ruffa ang mga anak na sina Lorin at Venice sa bonding na ‘yon at sa bahay ng busineswoman na si Alice Eduardo.

Nakipagkita rin si Ruffa sa dating stylist na si Alyanna Martinez, anak ni Albert Martinez.

Doon na based si Alyanna kasama ang photographer-husband na si Roy Macam at anak nilang si Adalyn na sobrang cute.

Noong nagbakasyon din si Albert sa Amerika ay nagtagal din ito dahil sobrang nag-enjoy sa kanyang apo.

Ogie ginawang Quiapo ang Davao

Grabe pa rin ang ulan kahapon at thankful ang singer/songwriter na si Ogie Alcasid at safe naman ang kanilang flight mula Davao pauwi ng Maynila.

Nagpunta ng Davao si Ogie kasama ang anak na si Leila Alcasid para sa OA na Tour sa Davao concert noong Saturday night.

“Successful, kaya very thankful kami!” sabi ni Ogie.

Hindi puwedeng hindi umuwi kaagad ng Maynila si Ogie dahil kahapon naman ay may taping sila para sa Your Face Sounds Familiar Kids.

Sa studio naman ang taping nila, kaya walang problema kahit maulan at baha sa maraming mga lugar sa Metro Manila.

Ipino-promote na nga rin pala ni Ogie ang Cinemalaya movie niya na Kuya Wes kung saan kasama niya si Ina Raymundo.

AlDub fans pinakakalma, landi sa katawan ni Janine pinaliwanag!

Mamaya na ang press launch ng Victor Magtanggol, ang primetime series ng GMA 7 na pagbibidahan ni Alden Richards, habang ang leading lady naman niya ay si Janine Gutierrez.

Matatanong na rin ng press si Janine tungkol sa pamba-bash sa kanya ng ibang mga fan ng tambalang Alden-Maine Mendoza.

May ibang mga fan kasi na hindi matanggap na ipapareha sa iba ang idolo nilang si Alden.

Masyado silang possesive at kahit trabaho lang naman ang ginagawa nina Alden at Janine ay sobra silang makapag-react!

Dahil nga sa pagiging possesive ng ibang mga fan na ito ay type na type tuloy nilang i-bash si Janine.

Sabi naman ng mga taga-Kapuso network, dapat ay tigilan na si Janine ng bashers dahil lang sa tambalan nila ni Alden sa Victor Magtanggol.

Una, contract star ng GMA 7 si Janine at hindi naman siya puwedeng hindi magtrabaho sa Victor Magtanggol naman ‘yon ang show na ibinigay sa kanya ng kanyang mother network.

Kilala rin naman si Janine na hindi malandi, kaya dapat lang na magsitigil na ang ibang mga fan na natatakot na baka magkaroon ng romantic angle sa tambalan ng dalaga at ni Alden sa Victor Magtanggol, ‘noh?!

Sana ay huwag namang masyadong OA as in over acting ang ibang mga fan at tigilan na ang mga bantang boycott, huh!

‘Yun na!

vuukle comment

POP FERNANDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with