^

Pang Movies

Alden hindi ma-selfie sa billboard!

Nitz Miralles - Pang-masa
Alden hindi ma-selfie sa billboard!
Alden Richards

MANILA, Philippines — Ready na ang GMA 7 sa airing ng Victor Magtanggol sa July 30. Pinalitan na ng GMA Network at GMA Drama ang Twitter header nila ng logo ng Victor Magtanggol.

Ready na rin si Alden Richards at nauna na siyang magpalit ng Twitter header at sa presscon mamaya, malalaman pa natin ang mga ginagawa niya to promote his teleserye.

Nakataas na ang billboard ng Victor Magtanggol sa corner ng Timog Avenue at EDSA. Pinupuntahan at kinukunan nila ng picture at ‘pag umaraw na, magpapa-selfie sila.

Suportado ng fans ni Alden at ng tinatawag na Blueys ang pilot ng Victor Magtanggol, may pa-viewing party sila sa July 30 at may countdown sila sa pilot airing.

Ang request ng supporters ni Alden, maagang maglabas ng merchandise para ma-enjoy nila. Naunahan pa ang GMA-7 ng maliliit na negosyante na naglabas ng Victor Magtanggol chichirya.

Sa sobrang galit at inggit kahit wala sa script, aktres binuhusan ng tubig ang kaeksena na aktres sa taping

Sobra siguro ang galit ng aktres na ito sa kapwa aktres na kasama niya sa isang teleserye. Sa galit ni Actress A kay Actress B, kahit wala sa eksena ay ginawa niya.

Binuhusan ng tubig ni Actress A sa ulo si Actress B na ikinagulat ng director at ng staff. Pati si Actress B nagulat sa ginawa ni Actress A pero dahil naka-roll ang camera, hindi na lang ito kumibo.

Hindi pa roon nagtapos ang eksena dahil sa sobrang higpit ng hawak ni Actress A sa baso at sobrang lakas ng pagkakalagay sa mesa, nabasag ang baso.
Ang feeling ng mga nasa taping, insecurity ang dahilan ng pagbabago ng pakikitungo ni Actress A kay Actress B. Nauungusan na kasi siya ni Actress B sa lahat ng aspeto sa showbiz career niya mula sa acting, supporters at projects.
Ang maipapayo ng mga nakakalilala sa dalawa, mag-level up si Actress A, kumanta na rin siya at bawasan ang pagsimangot sa harap ng fans at press people.

Zanjoe basted sa teen surfer?!

Hindi pa pala girlfriend ni Zanjoe Marudo ang celebrity blogger/surfer na si Josie Prendergast, batay ito sa sagot ni Zanjoe sa presscon ng Kusina Kings na single pa rin siya nang usisain sa love life niya.

May nag-report kasi na si Josie Prendergast ang bagong GF ni Zanjoe dahil pumunta pa sya sa bday yata ni Josie. Pero sabi nga ni Zanjoe, he is single, kaya baka hindi pa siya sinasagot ng dalaga.

LJ at Jennylyn naging close sa usapin ng mga anak

Nanonood pala ang anak ni LJ Reyes na si Aki ng The Cure at nagre-react ang bagets ng mga eksena ng ina.

Napanood ni Aki ang cat fight nina LJ at Jennylyn Mercado, agad nagtanong si Aki kung nagkasakitan sila at natuwa nang sabihin niyang acting lang yun.

Pati pagsasayaw niya sa TV tinatanong ni Aki kung acting pa rin. Ini-explain niya sa anak ang mga napapanood para hindi nagtatanong.
Isa sa magandang nangyari sa The Cure, nakatrabaho ni LJ si Jennylyn and this time, ang usapan nila kasama na ang mga anak na sina Aki at Jazz.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with