^

Pang Movies

Kapuso sunud-sunod ang pagbuwag sa loveteam

Veronica Samio - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pansin na nahihilig sa pagpatay ng loveteam ang GMA. Nauna na nilang binuwag ang love­team nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia sa Sherlock Jr. nang sa walang kadahilanan ay bigla nilang pinatay ang character ni Gabbi kaya naiwang mag-isa si Ruru hanggang sa pagtatapos ng serye. Hindi na rin nila binigyan ng follow up project ang dalawa. Sa Pamilya Reyes ay nag-iisa pa rin si Gabbi at hindi pa rin kasama ang kanyang ka-loveteam.

 

Kinunsinte rin ng Kapuso Network ang pag-unfollow ni Rocco Nacino kay Sanya Lopez bagaman at tanggap na ng lahat ang kanilang tambalan. Hindi kasama si Sanya sa Pamilya Reyes at sa halip si Jasmine Curtis Smith ang katambal ni Rocco.

Jon at Michelle susubukan

Sa kabila ng matagumpay nilang negosyo na car accessories, mayroong mga tindahan ang Blade Auto Center na matatagpuan sa halos lahat ng malls, minarapat ng mga nagmamay-ari ng Blade na sina Albert Gregory Go at Robertson Sy Tan na gumawi sa paggawa ng pelikula para na rin sa promosyon ng Blade, at para makatulong na rin sa industriya ng pelikula. Lahat ng media na dumalo sa grand launch ng kanilang movie ay nagkaisa na mahusay ang dalawang kabataan sa marketing dahil sa maganda nilang pagtanggap sa lahat ng nagpaunlak sa kanilang imbitasyon.

Sa halip nga naman na gumastos sila ng malaki sa advertising, promotion at marketing ng Blade, magagawa nilang mapalakas pa ang kanilang megosyo ng mas epektibo sa pelikula. Prominent ito sa unang pelikula nila na may pamagat na Dito Lang Ako na pinagtatambalan nina Jon Lucas at Michelle Vito, kasama si Akihiro Blanco bilang third wheel.

Sa movie, general manager ng tindahan ng Blade si Michelle at mekaniko naman si Akihiro.

Isang seryosong love story ang Dito lang Ako na nilagyan ng musika mula sa kuwentong flashback ni Nelia na ginagampanan ni Boots Anson Roa na ang relasyon kay Delfin (Freddie Webb) ay sinubok ng panahon.

Ginampanan sila sa kanilang kabataan ng bagong tambalang JoChelle.

Mapapanood ito sa August 8 sa direksyon ni Roderick Lindayag, isinulat nina Harvey C, Aquino at Fanny P. Dychiao. Kasama pa rin sina Rey PJ Abellana, DJ Durano, James Deakin, Garie Concepcion, Senpai Kazu at Roadfill ng Moymoy Palaboy.

Eheads mapapanood na rin sa entablado

Matutuwa ang mga fans ng Eraserheads. After the success of Binondo, A Tsinoy Musical, isa pang ganitong uri ng palabas ang mapapanood na magtatampok naman sa hits ng sumikat na grupo nung 90’s, ang Eraserheads na nagpasikat ng awiting Ang Huling El Bimbo na siya ring titulo ng musical. Tampok sina OJ Mariano, Gian Magdangal, Tanya Manalang, Reb Atadero, Jon Santos at Menchu Lauchengco.

Angelina nakatapos na ng album

Tuloy na pala ang pagiging recording artist ni Angelina Cruz, panganay nina Sunshine Cruz at Cesar Montano. Sa kabila ng pagsunod nito sa kagustuhan ng ina na mas unahin at bigyan prayoridad ang kanyang pag-aaral ay nagawang matapos ang kanyang self-titled debut EP.

Syempre, pinaka-proud sa na-accomplish ni Angelina ang kanyang ina. Kasama ang mga kantang Kaya Mo Ba?, Sumilong Ka, Paraiso with Inigo Pascual, The Boy I Used To Know, atbp. sa kanyang kauna-unahang EP.

vuukle comment

RURU MADRID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with