^

Pang Movies

Kyla nag-whistle ala-Mariah

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Kyla nag-whistle ala-Mariah
Kyla

Muling pinatunayan ni Kyla ang kanyang pagiging Queen of R&B sa latest single niyang Mahal Kita Pero Konti na Lang.

 

Ang daming shifting ng notes at panay ang kulot ng kanyang boses na mas gumanda pa sa mataas niyang falsetto. Napag-alaman ng fans na kaya rin palang gawin ni Kyla ang whistle ala-Mariah Carey.

Ang masaklap, parang hindi mo agad makakanta ang single sa sobrang lalim at bigat ng mensahe na humming pa lang ay madadala ka na at para kang paulit-ulit na sinasaksak ng bawat linya ng lyrics.

Yung damang-dama mo ang kanta sa napakagaling na transition at dynamics na punung-puno ng emosyon.

Ewan ko na lang kapag hindi ka tinamaan o maiiyak sa nasabing track sa husay ng interpretation ng nag-iisang Queen of R&B. 

Mabuti na lang masaya at successful ang marriage ni Kyla kay Rich Alvarez, or else mapapaniwala ang ilan na may problema ang mag-asawa sa grabeng galing ng nasabing single na swak na maging official sound track ng anumang drama series o movie.

vuukle comment

KYLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with