^

Pang Movies

Hunk actor na walang talent sa acting, buhay prinsipe sa madatung na beki

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Maraming beki na follower ng hunk actor na ito sa social media ang nagkakaisa na siya na ang favorite boytoy ng isang yamanin na gay businessman.

 

Nabigo kasi ang gay businessman na maakit niya ang dalawang hunk actors dahil galing ang mga ito sa de buena familia. Pero itong isang hunk actor na mukha lang mayaman pero wala namang datung ang nahuli niya sa kanyang bitag.

Pinagtataka ng mga beki na wala naman daw regular show ang hunk actor pero afford nito na makapagbakasyon sa mga lugar kung saan mga mayayaman lang ang nakaka-afford.

First class accommodations pa ito sa airline at sa tinutuluyan na hotel. At kung mag-post ng kanyang shopping spree ay parang umaapaw ng pera ang kanyang bulsa.

Hindi naman daw nakapagtataka dahil bukod sa guwapo at makinis, maganda pa ang hubog ng katawan ng hunk actor. Kaya perfect ito na maging boytoy na lang dahil hindi naman ito successful sa kanyang pagiging artista.

Nilalait-lait ng marami ang acting niya sa mga teleserye at pelikula. Kaya mas mabuti na lang daw na magpaalaga na lang siya sa beking madatung dahil kung ang showbiz career lang ang aasahan niya, magugutom ito pati na ang sinusuportahan niyang pamilya.

Nakatira rin daw ito ngayon sa isang high-rise condominium unit sa BGC at nagda-drive na ng isang pangmayaman na sports car.

Kaya kahit lait-laitin pa ang pagiging aktor niya, kesehoda na ito sa hunk actor dahil buhay prinsipe siya basta parati niyang paligayahin ang kanyang hari na minsan ay isang reyna!

Alden, bato na sa pamimintas

Bortang-borta na ang katawan ngayon ni Pambansang Bae Alden Richards dahil sa walang sawang training para sa pinagbibidahan niyang telefantasya na Victor Magtanggol.

Dumaan siya sa matinding workout at training para maging credible siya sa pagganap niya bilang Pinoy superhero. Kaya proud si Alden sa resulta nito.

“Healthy naman ako at fit, kaya lang on TV, times 25 ang nakikita.

“Kailangan ng extra adjustment pa kasi siyempre we’re more visual.

“It’s more of the TV that they see, not the person so adjust tayo doon.

“Hindi naman ako papuntang body builder if that’s what they want me to do. I don’t really mind comments about my weight anymore,” diin ni Alden.

Nakasanayan na raw ni Alden ang mga pintas sa kanya. Lalo na ngayon ay magbibida siya sa isang TV series, tiyak daw na marami na ulit ang babatikos sa kanya on social media.

Dalawang pinay may pressure sa ASNTM

In-announce na ang 14 official contestants para sa Asia’s Next Top Model (AsNTM) para sa sixth cycle nito.

Last cycle, ang Filipino-German model na si Maureen Wroblewitz ang nag-uwi ng title ng AsNTM para sa Pilipinas sa unang pagkakataon.

Kaya malaking pressure ang nasa balikat ng dalawang Pinay na kasama sa latest cycle ng naturang reality modeling competition show.

Ang mga Pinay models na kasali ay sina Adela Marshall at Jach Manere.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with