^

Pang Movies

Jon umamin na may asawa’t anak na

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Jon umamin na may asawa�t anak na
Jon

Kinumpirma na rin finally ng Hashtag member na si Jon Lucas na may asawa’t anak na siya. Inamin niya ito sa presscon kahapon para sa pelikula nila ni Michelle Vito na Dito Lang Ako na produced ng Blade Entertainment.

 

Matatandaang pumutok ang balita early this year na may dalawang Hashtags members ang nakabuntis and later on ay napangalanan na nga na sina Jon at Bugoy Cariño ito although naging tahimik sila tungkol dito at walang kumpirmasyon mula sa kanilang kampo.

But it turned out na totoo nga ang tsismis sa parte ni Jon at ibinahagi niya ang ilang detalye tungkol dito kahapon.

Ayon kay Jon, ikinasal daw sila ng non-showbiz girlfriend noong October last year at isinilang naman nito ang kanilang baby boy na si Brycen Christian noong Nobyembre.

Ibig lang sabihin nito, bago pa man mag-leak ang balita ay kasal na pala si Jon at may anak na sila.

According to Jon, hindi naman daw niya intensyong i-deny ang tungkol dito at talagang naghanap lang siya ng right timing.

“Perfect timing lang po kasi ngayon lang po ako nakapagganito ulit, eh, presscon, na siguro mas makakatulong sa akin na maglabas ng kay baby na kayo nga po ‘yun, kaya naghintay lang po ako,” he said.

“Wala po sa isip ko na i-deny kasi gusto ko ngang ipagmalaki pa, eh. Gusto ko ngang sabihin agad kaso ‘yung mga. . .sa management nga. Perfect timing nga.”

Aminado rin si Jon na medyo naging mahirap din for him nang mga panahong ‘yun since wala naman sa plano talaga ito pero at the same time ay excited din daw siya lalo na nang malaman niyang lalaki ang kanilang magiging first baby.

“Hinanda ko na po ‘yung sarili ko ‘nun,” kwento ng 22-year-old na aktor.

Naintindihan din naman daw siya ng ABS-CBN at ng Star Magic at sinuportahan naman daw siya.

Nilinaw din ni Jon na hindi siya tinanggal sa It’s Showtime kundi talagang binigyan siya ng leave.

Pero babalik pa ba siya sa noontime show?

“Eh sana po. Depende pa rin sa desisyon nila kung makakabalik ako, eh. Kung anuman po ang desisyon nila, eh tatanggapin ko,” pahayag ng aktor.

Ngayong may pamilya na siya ay mas ganado raw siyang magtrabaho at masaya siya dahil finally ay may lead role na rin siya, ang Dito Lang Ako na ipalalabas na sa Aug. 8 mula sa direksyon ni Roderick Lindayag.

Victor Magtanggol eere na!

Inanunsyo na ng GMA-7 ang pilot airing ng Victor Magtanggol na pinagbibidahan ni Alden Richards. Mapapanood na ang kwento ng isang ordinaryong taong nabigyan ng extra-ordinaryong misyon simula ngayong July 30 sa GMA Telebabad.

Makakasama sa bagong Kapuso telefantasya ang mga karakter na base sa Norse gods and goddess. At ipinakilala na nga ang mga magiging kalaban ni Alden bilang Victor Magtanggol sa serye.

Si John Estrada ang gaganap na main villain na si Loki.

“Siya ‘yung diyos ng manlilinlang. Deception ‘di ba? Doon magaling si Loki,” kuwento ng aktor tungkol sa karakter na kanyang gagampanan.

Gaganap ding kontrabida si Kapuso actor Pancho Magno bilang si Modi, ang Norse God of Battle na anak ni Thor. Babalik din siya sa kasalukuyang panahon dahil nais niyang makuha mula kay Victor ang war hammer o Mjolnir ng kanyang ama mula kay Victor.

“Parang naiinggit ako. Bakit siya napunta sa isang mortal?” ani Pancho tungkol sa motivation ng kanyang karakter.

Si Andrea Torres ang Norse goddess na si Sif, ang asawa ni Thor.

“Kailangan niya ulit kumilos para gabayan at bantayan ang bagong magiging tagapagmana ng martilyo ni Thor,” paliwanag ng concept creator ng serye na si Jules Katanyag.

Excited na nga si Alden sa nalalapit na pagsisimula ng Victor Magtanggol.

“I’m very happy with the story, with everything about Victor Magtanggol and with the cast and the team behind it,” ayon kay Alden.

 

vuukle comment

JON LUCAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with