^

Pang Movies

Kim hinihintay pa ring magbago ang isip

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Kim hinihintay pa ring magbago ang isip
Kim Chiu

Hindi lang si Jericho Rosales ang bibida sa pelikulang The Girl In The Orange Dress, maging si Sam Milby ay kasama na rin. Kaya sana ay magbago pa ang isip ni Kim Chiu tungkol sa pagba-back out niya sa nasabing pelikula.

Kasama rin sina Jessy Mendiola, Tom Rodriguez at Kit Thompson dito, na magsisilbing official entry para sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Mula ito sa direksyon ni Jay Abello, handog ng Quantum Films at MJM Productions.

Magkasama rin sina Sam at Echo sa upcoming series ng ABS-CBN na Halik kung saan tampok din sina Yam Concepcion at Yen Santos. Plus veteran performers Cris Villanueva at Romnick Sarmenta.

Cris interesado pa rin kay Tina

Speaking of Cris, Okay lang daw sa kanya na ma-reunite sa kanyang teenage reel-and-real-life sweetheart na si Tina Paner, kahit pa raw mapa-TV man yan o pelikula. After all naman daw, adults na sila at hindi rin naman iyon ang una nilang pagsasamahan. Nagkasama na rin daw kasi sila dati sa isang episode ng drama anthology na Magpakailanman.

It’s an open book na hiwalay sa kanyang Spanish husband si Tina kung saan nagkaroon siya ng isang anak. Napapabalitang may namumuong ligawan sa kanila ni Ramon Christopher o Monching na officially ay hiwalay naman na sa asawang si Lotlot de Leon.

Katulad ni Romnick, bagong talent din si Cris ng Cleverminds Inc. at inaasahan niyang magiging maganda pa rin ang showbiz career niya.

Angeline proud na binabalikan ang pagiging ampon

Hindi ipinagkakaila ni Angeline Quinto na ampon lang siya ng kinikilalang ina, na kung tawagin niya ay Mama Bob.

Tiyahin daw ito ng kanyang ama na may sariling pamilya na rin ngayon, ganun din daw ang kanyang ina.

May mga kapatid daw siya with both her father and mother.

Apat na taong gulang lang daw siya noon nang madiskubre niya na ampon lang siya ng kanyang itinuturing na ina. Ang kanyang kalaro pa raw ang nagsabi sa kanya sa mismong harap ng iba nilang kasama. Until kinausap siya ng kanyang Mama Bob at ipinaliwanag na kaya siya ipina-ampon ng kanyang ama ay dahil gusto nitong mabigyan siya ng magandang buhay.

No need to tell you na higit na magandang buhay ang naisukli ni Angeline sa kanyang Mama Bob.

Bayani ‘di pa rin makabuo ng baby boy

Wala raw halong biro pero feeling daw ng komedyanteng si Bayani Agbayani, ‘di na talaga siya bibiyayaan ng pagkakataong magkaroon ng anak na lalaki. ‘Di raw tulad ng kanyang ama at ina noon na pilit pa siyang naihabol pagkatapos ng limang anak na babae.

Siya at ang kanyang asawa na si Lenlen ay nga­nga hanggang sa pagkakataong ito.

Ang kanilang bunso ay 10 years old, si Sabina, habang ang tatlo naman niyang anak ay sina Thalia, Rosalinda at Marimar.

Si Thalia ay graduate na ngayon sa kursong Culinary Arts.

“I feel blessed having four of them,” ani Bayani. “Sabi nga namin ni Lenlen, God must love us so much, kaya ‘di lang magaganda at healthy ang mga daughters namin. Mababait din sila.”

Isa raw siyang faithful at good husband. “pangaral ni nanay,” saad ni Bayani, na aminadong isang mama’s boy.

Blessed din daw siya dahil meron siyang pinagkakaabalahang tatlong proyekto ngayon. Ang I Can See Your Voice, kung saan isa siya sa mga Singvestigators. Napapanood din siya sa morning series na Sana Dalawa Ang Puso at meron din siyang Funny Ka, Pare Ko na umeere sa Cinemo.

Nanalo rin siya twice sa KBP Golden Dove Award for Comedy bilang Best Actor.

Kaunti lang ang nakaalam na si Bayani ay gra­duate ng kursong Mass Communication sa PUP (Polytechnic University of the Philippines).

Nagsilbi muna siyang writer dati ng napakara­ming comedy shows sa ABS-CBN bago siya naging komedyante.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with