^

Pang Movies

Romnick ibinuking na lagging magkausap sina Kris at Harlene

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Romnick ibinuking na lagging magkausap sina Kris at Harlene
Romnick Sarmienta

Natanong si Romnick Sarmienta na bagong talent ng Cle­verminds, Inc. sa isang interview kung paano niya iri-rate si Kris Aquino bilang sister-in-law.

Alam naman kasi nating lahat na si Romnick ay asawa ni Harlene Bautista, ang nakababatang kapatid ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na napabalita namang may romantic involvement kay Kris.

Seryosong sagot ni Romnick: “Actually, ‘di pa kami nagkakaroon o nagkaroon ng usapang parang magkaibigan ni Kris.

“The only time I had the chance na makausap siya was when she had a talk show and she interviewed me.

“Sila ni Harlene ang alam kong nag-uusap. Na ‘di naman isini-share ni Harlene ang kanilang pinag-uusapan sa akin.

“Dahil usapang babae, ayoko ring makialam,” dugtong pa ni Romnick.

Samantala, ngayong nasa bagong talent management agency na siya na tutulong sa kanyang patakbuhin ulit ang kanyang showbiz career, seryoso na ba talaga siyang mag-stage ng comeback sa showbiz?

“Oo naman. Lalo pa nga at kaagad ay may project akong gagawin,” dagdag pa niya.

Kasama raw si Romnick sa cast ng bagong upcoming series ng ABS-CBN na Halik kung saan makakasama rin niya sina Jericho Rosales, Sam Milby and good friend, Cris Villanueva, Yam Concepcion at Yen Santos.

Mag-uumpisa raw ang nasabing serye sa darating na August 13, mula ito sa direksyon ni Carlo Arellano.

Maxine puro pagpapatawa ang ginawa

Ngayong break na si former Bb. Pilipinas Universe Maxine Medina sa boyfriend nitong occasional actor na si Marx Topacio, magiging aktibo na ba siya sa pag-a-artista?

Aba, dala-dalawa ang kanyang upcoming movies, at magkasunod pa ang showing.

Sa July 25, mag-o-open na nationwide ang pelikula nilang ng Kusina Kings na pinagbibidahan nina Zanjoe Marudo at Empoy Marquez kasama si Nathalie Hart.

Simula naman sa August 15 hanggang August 21 ay showing na ng Pinay Beauty (She’s No White) na entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2 kung saan tampok siya rito. Kasama niya sa nasabing pelikula sina Chai Fonacier na gumaganap na bida at Edgar Allan Guzman.

Both comedy ang dalawang pelikula kaya enjoy raw siya habang nagsu-shooting.

Pangarap din daw ni Maxine na makagawa ng drama series o pelikula balang araw kasama raw ang kanyang paboritong aktor na gusto niyang maging leading man, na ayaw naman niyang pangalanan.

Janine nasolusyunan ang problema ng lola

Masaya raw si Janine Berdin sa mga natatanggap niyang biyaya ngayon. Itinuturing niya itong regalo ng Diyos.

Si Janine ang pangalawang kampeon ng Tawag Ng Tanghalan (TNT) na segment ng noontime show na It’s Showtime.

Inamin niya na problema ng kanilang pamilya ang pang-dialysis ng kanyang lola, pero napunan na ito nang manalo siya agad ng dalawang milyon bilang kanyang premyo.

Malaking tulong daw talaga ito dahil ambag din ito para sa kanyang pag-aaral, pati na ng kanyang mga kapatid.

Sa ngayon daw ay na-eexcite si Janine dahil kasali siya sa concert ng TNT, titled TNT All-Star Showdown na gaganapin sa Araneta Coliseum on July 28.

Posible rin daw siyang maging ‘star of the show’.

Makakasama niya rito ang lahat ng mga lumahok sa TNT including ang unang kampeon na si Noven Belleza.

Sigurado na rin daw siya na magiging recording star siya dahil nakapirma na siya ng kontrata sa TNT Records.

Hindi pa nagtatapos ang lahat diyan, dahil maipapalabas din sa MMK (Maalaala Mo Kaya) hosted by Charo Santos-Concio ang kanyang istorya, at siya mismo ang gaganap.

Well, good luck, Janine.

vuukle comment

ROMNICK SARMIENTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with