^

Pang Movies

DongYan pinasaya ang fans na may sakit

Nitz Miralles - Pang-masa
DongYan pinasaya ang fans na may sakit
Marian at Dingdong

MANILA, Philippines — Pinasalamatan ng mga taga-Make A Wish Philippines sina Dingdong Dantes at Marian Rivera dahil pinagbigyan nila ang request ng dalawang batang may sakit na makita sila ng personal. Si Jerome (8, may Leukemia) at Llovel (12, may Congenital Heart Defect).

Sa photos na nilabas ng Make A Wish Foundation, kita ang saya ng dalawang bata na makita ang kanilang paboritong artista. Bukod sa tsikahan, na­yakap pa nina Jerome at Llovel sina Marian at Dingdong.

Speaking of Dingdong, kung totoong sa August na nila sisimulan ni Dennis Trillo ang taping ng action drama na Cain at Abel na kanilang pagsasamahan sa GMA 7, ibig sabihin nito, maglalagare siya sa shooting ng MMFF entry ng Star Cinema. Malapit na ang shooting dahil sa December na ang filmfest.

Magpapa-busy pa kay D­ingdong ang taping ng Amazing Earth na mabuti na lang ay sa Metro Manila lang ang taping.

Tayo naman, ang hihintayin ay kung magpa-file ng candidacy si Dingdong sa October dahil kahit ayaw pa nitong magsalita, malakas ang paniniwala ng marami na tatakbo siyang senador sa 2019 midterm election.

Tom at Carla magpapatayo na ng bahay

Nakabili na pala ng lote sina Tom Rodriguez at Carla Abellana na patatayuan nila ng bahay. Ang tungkol dito ang masayang ibinalita ni Tom nang makausap namin siya sa taping ng The Cure. Hindi na nito binanggit ang location ng future house nila ni Carla, basta masaya ito na matutupad ang isa sa checklist nila bago sila ikasal.

Dahil uunahing makapagpatayo ng bahay, malabong this year o next year na ang hinihintay na kasal nina Tom at Carla. “Pero soon” ang sagot ni Tom sa pangungulit ng mga reporter kung kailan nga sila ikakasal.

“Of course” naman ang sagot ni Tom sa follow-up question kung si Carla na ang “the one” for him at gustong maging forever niya.

Anway, malapit nang magtapos ang The Cure.

Maxine nabiktima ng mga bully dahil sa kaitiman

Valid naman ang rason ni Maxine Medina kung bakit wala siya sa presscon ng Star Cinema movie na Kusina Kings, pero nasa presscon siya ng Pinay Beauty (She’s No White). Sabi ni Maxine, nasa Amerika siya noong presscon ng Kusina Kings kung saan, love interest siya ni Empoy.

Kararating lang niya from the States at mabuti na wala siyang jet lag, kaya nakadalo sa presscon ng Pinay Beauty. Binitin nga lang ni Maxine ang press people dahil hindi sinagot ang rason ng break-up nila ni Marx Topacio dahil humarang ang P.A. nito.

In fairness kay Maxine, pareho nitong pinu-promote ang Kusina Kings na showing sa July 25 at ang Pinay Beauty  na entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino at showing simula August 15-21.

Tungkol sa mga babaeng Pinay na gustong magpaputi ang tema ng Pinay Beauty at na-share ni Maxine na noong bata pa siya, na-bully siya dahil maitim siya. Napahiya tiyak ang mga nam-bully kay Maxine nang maging model, beauty queen at artista na siya.                                  

vuukle comment

INGDONG DANTES

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with