^

Pang Movies

Xander ibang-iba na ang hitsura!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Naka-yellow color na hair, ibang-ibang Alexander “Xander” Lee ang na-meet muli ng media sa launch niya ng new single na Keep Ya Head Up kaysa sa una niyang character bilang ang ser­yosong si Jun Ho, sa romantic comedy series na My Korean Jagiya katambal si Heart Evangelista.  

Matapos bumalik ni Xander ng Korea after ng serye, nag-record na siya ng album at bumalik siya rito para i-launch ang kanyang single na he collaborated with another Korean singer, si Marucci (Alexander X Marucci).

Sa mediacon, sinabi ni Xander na ang song nila will cheer up a person and will give him comfort. This time, gusto naman niyang ipakita sa Pinoy fans kung paano siya bilang isang singer/performer. Nag-sample sila ni Marucci ng first single nila at ilan pang songs, with their guest, GMA’s recording artist Rita Daniela.  

In fairness, maraming fans na dumating sa KPub restaurant, at isa rito ang K-pop addict na si Thea Tolentino.

Sa interview kay Xander, sinabi niyang gusto niya muling makagawa ng isang teleserye at mag-guest sa ibang shows ng GMA. May two-episodes siyang gagawin with Maine Mendoza sa Daig Kayo Ng Lola Ko na ang isa ay napanood na last Sunday, July 15, at na-excite siya na pupunta siya ng Cebu para doon mag-taping as guest ni Barbie Forteza sa romantic-comedy series na Inday Will Always Love You ng GMA News & Public Affairs.

Pwede nang ma-download ang Keep Ya Head Up sa Melon, iTunes, Spotify, Mnet at iba pang leading music sites worldwide.

Maine sure na sa Coco-Vic movie!

Sinagot na ng All Access to Artists (Triple A Agency) ang tanong ng mga fans ni phenomenal star Maine Mendoza kung totoo bang kasama si Maine sa upcoming movie nina Vic Sotto at Coco Martin.

“Maine Mendoza will star alongside Vic Sotto for the upcoming MMFF entry Popoy en Jack: The Puliscredibles.”

Simula pa nang mag-announce ang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 na magsasama sa isang movie sina Vic at Coco, marami nang fans na nag-request kung pwedeng isama nila si Maine. Then lumabas ang interviews kay Coco na inaayos pa raw nila ni Vic ang script at sinabing gusto rin daw niyang makatrabaho si Maine.

As of now, hindi pa sinasabi nina Vic at Coco kung ano ang story ng movie nila, at kung ano ang role ni Maine, pero nagsu-shooting na sila dahil sa September 21 na ang submission ng finish product sa Executive Committee ng MMFF.

Alden trabaho agad pagkabalik ng Pilipinas

Balik-trabaho agad si Alden Richards pagkatapos niyang makabalik ng bansa last Monday morning, July 16, mula sa kanyang taping ng Victor Magtanggol sa Japan. Tiyak na sa grand presscon ng action-drama-fantasy series, matatanong si Alden ng mga karanasan nila while taping abroad.  

Sa GMA 7, sunud-sunod na rin ang pagpapalabas ng iba’t ibang teaser ng serye na dinidirek ni Dominic Zapata. After maipakita na sina John Estrada na kalaban ng superhero na si Victor Magtanggol, ipinakita naman kung paano napunta kay Victor ang martilyo, kasama niya sa eksena sina Janine Gutierrez at theater actor Miguel Faustman, na kinunan abroad. 

vuukle comment

ALEXANDER “XANDER” LEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with