Bianca kita ang paghihirap sa pagbubuntis
Bianca
Bianca kita ang paghihirap sa pagbubuntis
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - July 18, 2018 - 12:00am

Obvious na hirap si Bianca Gonzales sa kanyang pangalawang pagbubuntis kumpara noong dinadala niya ang panganay na si Lucia na malapit nang mag-two years old.

Halata ito kay Bianca nang mag-guest sila nina Shamcey at Aubrey Miles, na mga buntis din, sa Magandang Buhay. Mister ni Bianca ang top PBA cager JC Intal.

Also pregnant and scheduled to give birth, too, also with her second baby is Iya Villania.

Alam mo ba Salve A., na halos sabay nagsimula sa TV hosting sina Iya at Bianca? Nagkasama sila sa show na Game Channel.

Pareho rin silang ikinasal noong 2014.

Happily married na ngayon si Iya kay Drew Arellano, at masayahin ang panganay nilang si Primo.

Mark hindi inililihim ang GF

Kapamilya na ang dating TV5 talent na si Mark Neumann.

Kasama siya sa cast ng currently showing movie na I Love You Hater, kung saan gumaganap siya bilang gay cousin ni Joshua Garcia.

Ang said film ay pinagbibidahan nina Joshua, Julia Barretto at Kris Aquino.

Nasa cast din si Mark ng Harry & Patty, ang unang movie na pagbibidahan nina Ahron Villena at Kakai Bautista. Sabi ng aktor, gaganap daw siya bilang nakakabatang kapatid ni Kakai na pasaway.

German ang dad ni Mark samantalang Filipino naman ang kanyang ina.

‘Di inililihim ni Mark na may girlfriend na siya. Na isinama pa niya during the presscon of Harry & Patty.

Samantala, nilinaw na nina Kakai at Ahron, na magkaibigan lang talaga sila. Kahit pareho silang loveless, malabo raw, kung ngayon ang pag-uusapan, na may namumuong pag-iibigan sa kanila.

Although, hanga raw si Ahron kay Kakai, dahil napakabait nito sa kanyang pamilya.

Kabibili lang ng lupa ni Kakai sa isang subdivision sa Laguna, where she plans to have a house built for her family.

Of Harry and Patty, inamin ng writer nito na si Volta delos Santos, na kino-conceptualized pa lang daw niya ng kuwento nito, nasa isipan na niya na ang gawing bida ay sina Ahron at Kakai. Na kaagad naman inayunan ng direktor na si Julius Ruslin Alfonso.

In the film, too, which is a production of Cineko Productions, are Carmi Martin, Heaven Peralejo, Bodjie Pascua, Lou Veloso at Soliman Cruz.

May special participation sa pelikula si Arci Muñoz.

Kathniel movie, last na talaga ni Direk Cathy

Malamang na last film na ngang idi-direk ng box-office director na si Cathy Garcia Molina ang pelikulang The Hows Of Us, co-starring anew sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Kasalukuyang nasa Argentina ang cast and crew ng pelikula. Doon daw kukunan ang ilan sa mahahalagang eksena.

Muling magpapakasal si Direk Cathy sa kanyang former classmate. Balak daw nilang tumira ng kanyang bagong husband sa New Zealand kung saan namamalagi rin ang kanyang mga anak kasama ang kanyang magulang.

Good luck, direk Cathy. We sure will miss you.

Personal…

Our condolences to entertainment editor of Bulgar and friend, Janice delos Santos-Navida, whose husband of 10 years, Dada (real name: Darius) Na­vida, who is an entertainment photographer, died of a heart attack last Sunday.

Kasalukuyang nakalagak ang remains ni Dada sa  Claret’s chapel, Mahinhin Street, UP Village Quezon City.

Sunday, July 22 ang kanyang libing.

Labis-labis daw ang pasasalamat nina Janice at ng kayang family kina Tates Gana at Cristy Fermin, who were among the first na nakiramay at nagbigay ng tulong sa kanila.

Parehong ninang sa kasal nila Dada sina Tates at Cristy.

(Nakikiramay ang buong staff ng PM sa mga naulila ni Dada. Stay strong Mareng Janiz. - Salve A.)

BIANCA GONZALES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with