^

Pang Movies

Hindi sa social media, Barbie dapat ireklamo sa mga pulis ang nambugbog!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Hindi sa social media, Barbie dapat ireklamo sa mga pulis ang nambugbog!
Barbie Imperial

Nakakagulat ang mga post ng female star na si Barbie Imperial, kung saan ipinakita niya ang ilang bahagi ng kanyang katawan na may mga pasa at galos. Bagama’t hindi niya tuwirang sinabi na siya ang biktima, ang sinasabi niya ay ang “pananakit sa babae” ng kung sino mang pinatutungkulan niya. Mabilis na nakatawag iyon ng pansin, at nai-share na ng marami niyang suppor­ters kahit na makalipas ang dalawang araw ay inalis na rin niya ang kanyang posts.

Ginamit din naman iyon ng ilang gossip bloggers, ginawan ng istorya at inire-post pa. Wala ring duda na mayroon silang pinagbibintangang gumawa noon, na hindi na natin sasabihin kung sino dahil wala naman tayong pakialam.

Ito lang ang punto, kung si Barbie ay talagang sinaktan ng sino man, bakit kailangang dalhin ang bagay na iyon sa social media? Bakit hindi siya nagpa-medical examination sa isang ospital, para magkaroon ng record ang kanyang injuries at nagharap ng reklamo laban sa may kagagawan noon?

Karapatan ng isang tao na magsampa ng reklamo kung hindi ka ginawan ng mabuti ng kahit na sino, kahit na boyfriend o asawa mo pa. Kaya nga ang ating pulisya ay naglagay pa ngayon ng “womens and child’s desk” kung saan ang mga opisyal ay babae at nakakaunawa sa mga ganyang bagay.

Iyang mga ganyang problema kung totoo ay dapat na ginagawa ng aksiyong legal para masiguro na hindi na mauulit. Walang kuwenta iyan kung isusumbong mo lang sa fans o ipaalam sa mga tao, dahil sooner or later, may magsa­sabi pang “eh bakit siya pumayag na maganoon siya”.

Hindi mo maiiwasang may magtanong, bakit wala siyang ginawang aksiyong legal laban sa nanakit sa kanya. Ang punto riyan ay iyong mga ganyang bagay na sinasabing “nagsimula sa isang relasyon” dapat na manatiling pribado, o kaya naman mag­harap siya ng kasong legal sa may kagagawan noon.    

Sharon pangit ang diskarte sa pagbabalik showbiz

May isa na namang obserbasyon na narinig namin. Mukhang hindi nga raw talaga maganda ang diskarte sa career ng Megastar na si Sharon Cuneta.

Nag-comeback siya sa isang indie film na sa simula pa lang ay alam na ng lahat na hindi kikita. Mabibilang naman sa mga daliri ng isang kamay lamang ang kumitang indie film, at iyon namang kanyang ginawa ay hindi inaasahang makaka­dagdag sa bilang. Pero ginawa niya iyon dahil sa paniniwalang baka naman manalo siya ng award, eh magandang simula iyon. Lumabas na hindi rin kagandahan ang pelikula, at tinalo siya ni Angel Bayani bilang best actress.

Gumawa siya ulit ng pelikula kasama si Robin Padilla, na malaki ang expectation dahil kung natatandaan ninyo, ang kanilang team up ang gumawa ng record noon sa ta­kilya, at hanggang ngayon ay hindi nalalampasan ang bilang ng tao, hindi gross sales dahil mura pa ang sinehan noon, na nanood ng pelikulang iyon. Pero lumabas ang pelikula na isa lamang mild hit, at kahit na nominated din siya bilang best actress noong nakaraang Eddys, at tinalo naman siya noong si Mary Joy Apostol, na ni hindi nga namin kilala, ibig sabihin ay isang baguhan lamang.

Pero tama bang dahil sa mga ganyang observation ay sabihin nating hindi tama ang takbo, o may depekto ang diskarte sa pagpapatakbo ng career ni Sharon? Hindi ba puwedeng sabihing maling projects lang kasi ang naipapagawa sa kanya? Hindi ba puwedeng sabihin na kailangan lang niya nang mas mahusay na didiskarte para sa kanyang career?

vuukle comment

BARBIE IMPERIAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with