^

Pang Movies

Mga sikat na personalidad at pulitiko, nagsiuwian agad mula sa laban ni Pacman

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Mga sikat na personalidad at pulitiko, nagsiuwian agad mula sa laban ni Pacman
Manny Pacquiao

Kahapon nagsimulang mag-alisan sa Kuala Lumpur, Malaysia ang mga celebrity at politicians na nanood ng boxing fight nina Manny Pacquiao at Lucas Matthysse.

Kung noong Friday hanggang kahapon ng umaga ay maingay sa lobby ng Le Meridien kung saan nag-stay ang ating Pambansang Kamao, kahapon ng hapon ay med­yo tahimik na roon.

May iba pang mga naiwan sa KL dahil nagkaubusan nga ng flights, pero magsisiuwian din today.

Si Manay Lolit Solis na kasama ang dear editor kong si Salve Asis, nakauwi na kahapon pa dahil April pa lang ay nakapag-book na sila ng flights papunta ng KL at pabalik ng Philippines at hindi katulad ko na nag-via Singapore pa dahil wala na talagang makuhang flight direct to KL at pabalik din ng bansa.

John Lloyd walang kaere-ere kaya nami-miss

Obvious na mahal si John Lloyd Cruz ng mga nakasama niya sa Star Magic ta­lent managements group ng ABS-CBN dahil puro papuri ang sinabi ng mga ito tungkol sa kanya nang makatsikahan ko sila noong Friday sa story conference ng Fantastika: The Princesses, The Prince and The Perya ng Star Cinema.

‘Yung dating handler nga ng aktor, panay pa ang depensa sa kanya sa mga issue na hindi naman talaga kasi totoo.

Obvious na maganda ang naging pakikisama ni John Lloyd sa kanyang dating management team dahil puro papuri ang maririnig sa kanila tungkol sa semi-retired actor.

Pati tungkol sa issue na naghihirap si John Lloyd, pinabulaanan nila.

Ogie nakaraos na sa show sa Japan

Nakabalik na kahapon ng Pilipinas si Ogie Alcasid mula sa pagsu-show sa Handa-shi, Aichi Prefecture, Japan.

Nakasama ni Ogie sa TFC (The Filipino Channel) show roon sina Maja Salvador at Eric Nicolas.

Masayang-masaya raw sila dahil big success ‘yon!

Nang ka-text ko kahapon si Ogie ay nasa airport pa siya at kalalapag pa lang daw ng plane na sinak­yan nila mula Japan.

Hindi raw siya nag-stay pa ng matagal sa Japan dahil mula airport ay dederetso na siya sa taping ng Your Face Sounds Familiar.

Ngayon naman, Home Sweetie Home taping si Ogie at bukas ay shooting naman ng Kuya Wes dahil may natira pa silang mga eksenang kailangang kunan sa sana ay last shooting day nila pero hindi nga sila natapos.

Sabi ni Ogie, excited na siya na magkita ng misis na si Regine Velasquez-Alcasid at mga anak na sina Nate at Leila, pero hindi muna makakapag-bonding dahil sunud-sunod din daw ang trabaho niya.

Pero while in Australia nga pala (doon siya galing bago nag-Japan), nakapamili siya ng pasalubong para sa kanyang pamilya. Actually, sa Japan din naman at nakapamili siya kahit paano.

Speaking of Regine, happy siya dahil pinag-uusapan talaga ang The Clash, ang singing competition show na iniho-host niya tuwing Saturday and Sunday sa GMA 7.

Type na type ni Regine ang The Clash dahil galing din siya sa ganoong klase ng show kaya nagkaroon ng chance na maging singer.

Feel ni Regine na marami sa contestants sa The Clash ang magkakaroon ng puwang sa showbiz.

Samantala, consistent din ang magandang ratings ng The Clash sa first two weeks of airing nila!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with