^

Pang Movies

Maraming Pinoy naiyak sa panalo ni Pacman

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Maraming Pinoy naiyak sa panalo ni Pacman
Manny Pacquiao

Naku Salve (my dear editor), ‘kaloka ang tandem n’yo ni Manay Lolit Solis habang nasa Kuala Lumpur, Malaysia tayo para sa boxing fight ni Manny Pacquiao versus Lucas Matthysse kahapon, huh!

Kapag nalalaman nila na ikaw si Salve, ang dialogue talaga ng mga tao ay, “Siya pala ‘yung pino-post ni Nanay Lolit sa Instagram (@akosilolitsolis)!” ang iba naman ay nagsasabing, “Totoong tao pala si Salve at palagi silang magkasama ni Nanay Lolit.”

Saka Salve, aminin mo, nakadagdag ng pagod natin ang sobrang init sa Kuala Lumpur, pero sobrang saya naman dahil nanalo nga si Papa Manny at siya pa rin talaga ang ating Pambansang Kamao.

I’m sure, Salve, naiyak din kayo ni Manay Lolit katulad ng napakaraming mga Pinoy na nanood ng boxing fight dahil panalo pa rin si Pacquiao, huh!

Pambansang Kamao chill-chill na lang matapos ang laban

After ng boxing fight, isang oras pa lang ay nakabalik na si Manny sa Le Meridien at suwerte na kasama ako ni Annabelle Rama sa suite niya at hinarap naman kami kaagad ng ating Pambansang Kamao.

Bumilib talaga ako kay Bisaya dahil kahit may ka-meeting ito ay nakipag-posing-posing sa amin si Pacquiao!

Kahit nga pala katatapos lang ng boxing fight ni Manny ay mukhang relax na relax siya. Iba pa rin naman ang nagagawa ng pagiging winner, ‘noh?!

Matthysse parang hindi natalo ang hitsura

Naku Salve, sayang at wala kayo ni Manay Lolit sa 5th floor restaurant ng Le Meridien at hindi n’yo nakita si Lucas Matthysse na kumakain doon.

Kasama nga ni Lucas ang kanyang grupo and in fairness, kahit talunan siya ay marami pa rin naman ang naglapitan at nagpa-picture sa kanya, huh!

Mabait naman si Lucas at parang hindi siya pagod kahit napabagsak siya ni Pacquiao.

Parang hindi nga talunan ang dating ni Lucas, huh!

Super nice nga rin siya sa mga nagpa-picture kasama siya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with